KILL'S POV
Makalipas ang ilang oras mayroong dumating sa kwarto ko para ayusan ako.
Mayroon ring dala itong mga kasamahan na hawak ang dress na susuotin ko sa pagtitipon na ito.
Hindi ko inaasahan na simple lang ang dress na ipinasuot sa akin. Mukhang hindi naman ata engrande ang pagtitipon na ito, isang pormal lamang.
Kulay itim ang kabuuan nito, sleeveless na fitted, ang haba nito ay hanggang sa itaas ng tuhod ko lang. Ang tela na ginamit ay silk kahit simple lamang itong tingnan sa una, elegante parin ito nang samahan ito ng mga mamahaling kwintas, hikaw, bracelet at singsing.
Tila bang magniningning ang aking kabuuan sa pagtitipon na ito.
Pinaresan din nila ang dress ng isang kulay itim na mahabang coat para kahit papaano ay pormal akong tingnan.
Nakakabit doon sa coat ang isang pin na crest ng Lafauci. Gawa din ito sa mamahaling materyales. Tanging ang pamilya ng Lafauci lamang ang mayroon nito.
Ang kinaiinisan kong parte na susuotin ang huling kukumpleto sa kabuuan ng itsura ko, ito ay ang pares ng sandals. Pinilit ko na hanggang 2-inch lang ang kayang kong suotin at wala na silang magagawa kung lumagpas pa ito kundi tutungo ako sa pagtitipon na nakapaa.
Mabuti at sinunod nila ang gusto, nung una ay pinipilit nila sa akin ang 3-inch heels na nakapares sa dress na suot ko.
Pagkatapos nila ako ayusin, lumabas na sila kaagad sa kwarto at pumasok naman ang mafia reaper na inutusan kong bumili ng isang bagay na kakailanganin ko ngayon.
"Narito na ang inuutos niyo." Inabot niya sa akin ang pinapautos ko.
"Salamat." Nagulat ang mafia reaper nang tingnan niya ang aking mukha, na siyang tiningnan ko ng pagtataka.
Yumuko siya sa akin at lumabas na ng kwarto.
Anong meron sa mukha ko?
Kinuha ko ang litrato namin nina Soul at Death at ipinasok ito rito. Pinatayo ko siya sa side table na nasa tabi ng kama ko. Ngumiti ako.
Sa ilang taon na nakakulong ako dito sa mansyon, ngayon lang ako nagkaroon ng litrato sa kwartong ito.
Lumabas na ako sa kwarto at tumungo sa lugar na kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Nasa teritoryo parin ito ng Lafauci ngunit ang lokasyon nito ay medyo malayo sa mansyon kaya kailangan kong sumakay ng kotse patungo rito.
Pinagmaneho ako dahil nasa entrada na ng mansyon ang kotseng ito, na siyang hinihintay ang pagdating ko. Nang makarating kami sa lokasyon ay, ibinaba ako sa likuran ng gusali, mukhang hindi nila ako papasukin sa harap.
Pagkapasok ko, tumungo muna ako sa isang kwarto kung saan ako magpapahinga. May mensahe na iniwan si Ina sa nagmaneho ng kotse na siyang sinabi niya sa akin bago ako bumaba.
Kalahati ng kabuuang sakop ng gusaling ito ay isang malaking espasyo para sa mga pagtitipon na tulad nito. Habang ang kalahati naman ay nakalaan para sa iba't ibang silid na pwedeng gamitin ng mga bisita o tauhan ng Lafauci, mayroon ring mga silid na doon ginaganap ang mga pag-uusap na sinasagawa nina Ama.
Sadyang ayaw talaga ni Ama na mayroong makapasok na dayo sa mansyon. Hangga't maari ay hanggang dito lang ang pwedeng pasukin nila.
Hindi ako pwedeng magsuot o magdala ng armas sa pagtitipon na ito, pinaghihigpitan nila ang mga ito. Ordinaryong pagtitipon lang talaga ito.
BINABASA MO ANG
Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)
Action[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD