Kabanata XXVII

58 2 0
                                    

KILL'S POV

Tumungo ako sa puntod nina Death kahit gabi na. Hindi ko na dapat papahintayin ito sa kinabukasan baka ay may importanteng bagay ang nasa loob ng kahong rito.

Kinuha ko ang malaking chargeable na ilaw na nakalagay sa compartment ng kotse ko para gamitin kong pang-ilaw roon.

Hindi sa sementeryo nilibing sina Death at Soul, inilibing sila sa isang teritoryo na pagmamay-ari ng Herriot. Nakapwesto sila sa ilalim ng puno na siyang nakaharap sa karagatan ng Eastern.

Inilapag ko ang ilaw sa pagitan ng kanilang puntod, at umupo ako sa damuhan.

Nilagay ko sa aking hita ang kahon, bago ko ito buksan tiningnan ko ang puntod ni Death. "Narito na ako ayon sa mensahe na iniwan mo."

Binuksan ko ang kahon sa harap niya.

Mayroong papel ang ibabaw nito, kinuha ko ito at binuklat. Isang sulat na nakapangalan para sa akin, isinulat ito mula kay Death.

Tiningnan ko ang petsa, ito ang araw na kung saan ay dumating ako sa mansyon nila bilang Ann.

Kioreen Idiode Levticeur Lafauci,

Kamusta ka na?

Sampung taon na rin ang lumipas nang huli kitang nakita. Wala akong balitang naririnig mula sayo kahit galing sa aking mga magulang na siyang pumupunta sa mansyon ng Lafauci para sa mga pagtitipon na ginaganap roon.

Bakit ka bigla nalang nawala?, ano na ang ginagawa mo ngayon?, nag-eensayo ka na ba katulad din namin?, handa ka na bang maging susunod na mafia boss sa Eastern? Madami akong gustong itanong sayo kaso hindi ko magawa.

Lagi akong nagsusulat ng liham kada taon para sayo kaso hindi ko magawang ipadala o ibigay man ito sa iyo dahil alam kong hindi ito makakarating sayo.

Pero sana ay makita kita muli kahit isang beses lang, iyon ang mga isa sa mga bagay na hinihiling ko sa mga bituin gabi-gabi.

Kung matutupad man iyon, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Sa simpleng makita at makausap ka man lang, nagagawa mo nang mapasaya ang araw ko.

Sa kabila ng lahat, iisa lang naman ang nasisigurado ko, alam kong nag-eensayo ka para maging mafia boss na inaasahan ng lahat. Alam kong ikaw ay maiiba sa ibang mga naging mafia boss sa Eastern.

Atsaka sana ay masaksihan iyon, siyempre bilang susunod na tagapagmana ng Herriot ako ay nakasuporta sa iyo hindi magbabago iyon.

Kapag ika'y magiging mafia boss, sana ay hindi mawawala ang iyong layunin noon pa man.

Wag kang matakot harapin ang lahat ng pagsubok Kill! Marami ang taong nasa likod mo para suportahan ka.

Sa susunod na sulat muli!

Densighn Ettiquo Adreline Tolmerine Herriot

Pagkatapos ko itong basahin hindi ko alam kung ano ang irereaksyon ko dahil sa lito. Ito ang kahulihang naisulat ni Death, ang nasa ilalim ng sulat na ito ay iba pang mga sobre na nakapetsa sa mga nakaraang taon.

Nang tanggalin ko ang lahat ng mga sobre ay nagulat ako sa bumunggad na bagay sa akin.

Itinaas ko ito mula sa kahon. Isang litrato, litrato namin nina Soul, Death at ako. Nakangiti kaming tatlo na magkasama sa litrato. Mukhang sa mansyon ito ng mga Lascott.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon