KILL'S POV
Gaano ba ako katagal natulog?
Inimulat ko ang aking mga mata, ang unang nakita ko ay ang parehas na dress na isinuot ko noong christmas ball.
Christmas ball?
Saglit lang, nasaan ako?
Natandaan ko ang nangyari, bago ako nawalan ng malay, yung lalaking iyon may inilagay sa aking inumin.
Plano niya akong dakpin at nagtagumpay siya. Sabi na nga ba na isa siya sa mga mafia clans na humahabol sa akin. Tanging mag-isa lang siya, nasagawa niya ito ng walang palpak sa kanyang plano.
Naramdaman ko ang biglang pagmanhid ng aking mga kamay at paa. Tiningnan ko ang mga ito, tsk.
Nakalock ang mga ito sa isang makinang na para lamang sa pagkulong ng tao.
Inilibot ko ang tingin ko sa kinaroroonan ko, nasa isang silid ako na walang kalaman-laman. Tanging ang ako at ang makinang ito ang naririto sa silid na ito.
Isang magandang imbensyon ang makinang ito, paniguradong isang mataas na mafia clan ang dumakip sa akin.
Sinubukan kong hilahin ang kamay ko, nang biglang kuryentihin ako nito. "Arghhh!" Napasigaw ako sa sakit.
Nakuha nito ang kaunti ng lakas ko, tiningnan ko ang makina na naglock sa aking kamay, may sensor kamera na nakalagay sa itaas nito, mukhang sa isang galaw ko, kukuryentihin ako ng makinang ito.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang mga lalaking nakakulay itim lahat at may takip sa kanilang mga bibig. Tumungo sila sa pwesto ko, ang isa sa mga lalaking ito, pinagmasdan ako, may pinindot siya sa makina at agad na lumisan sa silid.
Naiwan ang iba na tila bang binabantayan ako. Napairap ako sa ginawa nila. Mga mafia reaper ba talaga ito?
"Hahaha!" Bigla akong tumawa at lahat ng kanilang atensyon ay napunta sa akin. "Ganyan ba ang naituro sa inyo? Mga mafia reaper ba talaga kayo? Mukhang wala ata kayo kaalam-alam sa sitwasyon ngayon." Kahit may takip sila sa kanilang bibig, nakikita ko parin ang ekspresyon nila sa mukha.
Mukhang di sila natinag sa sinabi ko. Siyempre hindi ako titigil.
"Nandito kayong lahat na binabantayan ako, tapos alam niyo namang nasa imposibleng posisyon ako. Alam nating lahat na hindi ako makakatakas dahil sa makinang ito, kung imbensyon niyo ito sana hinayaan niyo nalang ako dito mag-isa." Lumapit sa akin ang isang lalaki at hinampas ang mukha ko gamit ang baril nito.
Dinura ko ang dugong namuo sa bibig ko. Sa tingin ko, ang ginawa nung isang lalaki kanina ay patayin ang sensor kamera sa makina, dahil kung gumagana parin ito, hindi lang hampas ang natanggap ko.
"Ikaw ay isang Lafauci, alam namin na hindi basta basta ang kakayanan mo." Napangiti ako. Alam ng mga mafia reaper na ito ang abilidad ko at hindi ako minaliit, mabuti kung ganun, dahil natutuwa ako sa pangyayaring ito.
Bumukas muli ang pintuan, tiningnan ko kung sino ang naririto naman. Nang makita ko sino ito, sumama ang tingin ko. Ang lalaking nagdala sa akin at ang pasimuno ng lahat ng ito.
Napasmirk siya sa ginawa ko. "Buti at buhay ka pa, akala ko hindi mo kakayanin ang kuryenteng na nakakabit sa makinang iyan." Sabay hithit niya ng sigarilyo.
"Hindi ako basta bastang natutumba sa simpleng kuryente lamang." Tugon ko. Hindi ako natatakot sa kanya, kahit nabawasan ng kuryente ang lakas ko, hindi nito magagawang patayin ako.
May inilabas siya na maliit na bagay at may pinindot. Bago ko alamin kung ano ito, naramdaman ko na naman ang kuryenteng nagpapahina sa akin unti-unti.
BINABASA MO ANG
Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)
Action[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD