Nagising ang batang Lafauci mula sa pagtulog, nakahiga ito sa isang malambot na damuhan. Namg lumingon ito sa kanyang tagiliran natanaw nito ang batang Ernest na nakasandig sa puno na natutulog din.
Napagtanto niya na nakatulog ito mula sa kanilang laro kanina.
"Ignite." Inimulat ng batang Ernest ang kanyang mga mata at ngumiti sa batang Lafauci.
"Nakatulog pala tayo." Ani ng batang Ernest bang kinukusot ang kanyang mga mata. Tumayo ang batang Lafauci at hinila ang batang Ernest.
"Bumalik na muli tayo sa mansyon, baka ay hahanapin na ako nina Ama." Tumayo na din ang batang Ernest at sabay silang tumakbo pabalik sa mansyon ng batang Lafauci. Nang makapasok na ang batang Lafauci sa mansyon doon na umuwi ang batang Ernest sa kanilang tinitirhan sa teritoryo ng Lafauci.
Dumating na ang gabi, laging nakatambay sa balkonahe nito ang batang Lafauci, naisipang bumisita ng batang Ernest sa balkonahe nito sa pamamagitan ng pag-akyat ng puno na siyang malapit roon.
"Alam ko talaga na dadating ka. Hindi ka talaga mapakali sa iisang lugar lang." Tinapunan ng dahon ng batang Ernest ang batang Lafauci.
"Gayun ka din, di lang ako. Kaya lagi kang lumalabas sa mansyon at tumutungo sa lugar namin para samahan kang maglaro." Ani ng batang Ernest.
Sumimangot ang batang Lafauci, "Ayaw mo ba akong kasama?"
Kunwaring nag-isip ng mabuti ang batang Ernest. Nakaramdam siya ng pagtama sa isang bagay, nang tingnan niya ang nahulog sa lupa, isang tsinelas ang tumama sa kanya.
"Masaya ka naman na kasama ako." Mataas ang kumpyansa ng batang Lafauci. Tumawa ang batang Ernest sa narinig nito.
Nagulat ang batang Lafauci, sa pagtawa nito. "Oo, masaya ako sa tuwing kasama ka." Pagtapat ng batang Ernest.
"Natatakot ka ba?" Biglang tanong batang Lafauci.
Tiningnan siya ng batang Ernest ng ilang segundo bago sumagot. "Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin mo sa natatakot, maraming bagay yun. Dahil tinanong mo ako, sasagutin ko na rin ito. Hindi ako natatakot, kasi lagi kong ginagawa ang lahat para masigurado kong hindi kong pagsisihan ang isang bagay balang araw. Hindi ko man alam ang ano ang naghihintay sa akin, hindi ako natatakot na harapin yun dahil alam kong naglaan ako ng panahon para magkaroon ng sapat na lakas." Tumango ang batang Lafauci sa narinig nito.
"Bakit mo naitanong yan?" Dagdag ng batang Ernest. Nagulat ito sa biglang pagtanong ng batang Lafauci ukol rito.
"May nagtanong kasi sa akin." Hindi na tinanong pa ng batang Ernest kung ano ang sagot ng batang Lafauci dahil kusa na lamang niya sasabihin ang nasagot nito kung gugustuhin niya.
"Kioreen! Matulog na." Sumilip ang Ina ng batang Lafauci sa pintuan ng kwarto nito.
"Opo Ina!" Ngumiti ang batang Lafauci sa batang Ernest. "Pinapatulog na ako ni Ina, bukas na muli. Maglalaro na naman tayo, kaya maghanda ka at matulog ka na rin." Nagpaalam na sila sa isat isa at isinara na ng batang Lafauci ang balkonahe nito.
Hindi umalis sa kanyang pwesto ang batang Ernest, hihintayin niya hanggang sa makatulog ang batang Lafauci bago siya umalis. Lagi niya itong ginagawa, para masigurado nitong maayos ang magiging lagay ng batang Lafauci bago ito matulog.
Makalipas ang ilang minuto, nang masigurado niyang nakatulog na ang batang Lafauci, bumaba na siya sa puno.
Nang bumalik siya sa kanyang tinitirahan, nagtaka siya na bakit nakailaw ang ilaw roon. Natandaan niya na nasa isang misyon ang kanyang magulang. Sino kaya ang naroon?
BINABASA MO ANG
Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)
Acción[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD