Kabanata VII

3.7K 80 9
                                    

KILL'S POV

Paano nangyari? Namatay ito ng di ko alam ang pakay niya.

Sinipa ko ang lalaki, patay na nga siya. Kinapa ko ang buong katawan nito, nagbabasakaling na maaring may makita akong impormasyon ngunit wala.

Umalis na ako at iniwan ang katawan. Tumingin ako sa huling pagkakataon doon sa direksyon na iyon. May nararamdaman akong may hindi maganda ang mangyayari.

Pagkapasok ko sa condominium, agad na sumalubong sa akin ang isa sa mga Mafia reapers.

"Kill, nalaman na ng buong Eastern na buhay ka. Ayon sa iyong Ama, bumalik ka na sa mansyon sa madaling panahon." Di ko akalaing mabilis ang pagkilos ni Die. Tsk.

"Sige." Yun lamang ang naisagot ko at nagtungo na sa palapag ko.

Pagkapasok ko sa condo ko ay napansin ko na iba na ang kinikilos ng kapitcondo ko. Binalewala ko muna ito at kinuha ang aking laptop at tingnan kung totoo ang sinasabi ng Mafia reaper.

Heiress ng Lafauci clan ay buhay! Isa nga bang himala ito?

Nabuhay mula sa kamatayan ang heiress? o Matagal na palang niloloko ng Lafauci clan ang buong Eastern Mafia World?

Ang tagapagmana ng Lafauci, anong nangyari sa loob ng sampung taon?

Ito ang mga bumungad sa akin nang buksan ko ang iba't ibang website.

Simula na ng magsisilabasan ang mga Mafia clans na gusto akong patayin. Nalaman na nila na buhay ako kaya kung sino ang makakakuha ng ulo ko ang siyang magiging susunod na Mafia boss ng Eastern.

Nang buksan ko ang portal, nakita ko ang biglaang mail ni Ama sa akin.

Kioreen Idiode Levticeur Lafauci! Bumalik ka na ngayon din.

Napangiwi nalang ako dahil naiisip ko ang itsura ni Ama ngayon. Sinara ko nalang ang laptop at napahilamos sa mukha.

Buglang tumunog ang aking celpon.

From: Soul
Kill, lagot ka na ngayon.

Napailing nalang ako sa nabasa ko.

To: Soul
Baka gusto mong sumama sa akin Soul? Para parehas tayong malalagot at ikaw ang ipapain ko.

From: Soul
Joke lang naman yun, anong plano mo?

Napaisip ako, gusto akong pabalikin ni Ama sa mansyon agad dahil alam niya na maaring hahanapin na ako ng mga Mafia clans sa mga oras na ito at sabay-sabay nila akong papatumbahin hanggang sa mabura ako sa Eastern.

Pero hindi pa nila alam ang lokasyon ko kaya hindi pa malubha ang pangyayaring ito. Paniguradong iniisip pa lamang nila na nasa teritoryo ako ng Lafauci clan.

To: Soul
Di mo na kailangang alamin, malalagpasan ko rin ito.

Malalagpasan ko ito sa ngayon. Hindi ko madidikta kung kailan na magsisimulang sugurin ako ng mga Mafia clans pero handa ako sa ano mang mangyari.

From: Soul
Very Kill.

Nagising ako sa sinag ng araw na pumasok sa aking kwarto. Nakatulog pala ako habang iniisip ang pwedeng mangyari.

Naghanda na ako para pumasok, sinuot ko na ang aking maskara at dinedma ang mga Mafia reapers nang ako'y paalis sa condominium.

Nang makarating ako sa klase agad akong umupo sa pwesto ko at natanaw ko si Die na kakapasok lang rin.

Kailangan kong malaman kung paano niya nalaman na ako ang nasa likod ng maskarang ito?

Walang bago naman sa klase, maliban lang sa pag-anunsyo tungkol sa Acquiantance night. Di ko ito binigyan ng tuon dahil sigurado akong hindi ako makakapunta sa mga ganyang okasyon.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon