KILL'S POV
Lumipas na ang limang taon, nasanay na rin ako sa gawain bilang mafia boss. Parang routine ko na ang mga gawaing ito araw araw.
Si Die naman ay namumuno sa mga mafia reapers at assassins sa clan namin. Kahit kasal na kami, Lafauci parin ang apilyedo ko dahil ako ay isang mafia boss at tanging ang mga Lafauci lamang ang mga namuno sa Eastern.
Ako ay nagdadalang tao na rin, nag-aalala sina Ina sa akin dahil hindi ko parin masyadong pinapahinga ang sarili ko sa aking mga responsibilidad. Sinisita na rin ako ni Die pero nagmatigas parin ako.
Natagumpayan kong kunin ang mga loob ng mga ordinaryo pati ang mafia world sa Eastern. Hindi ko na plinano pang sakupin ang kabuuan ng Eastern bilang mafia lamang dahil simula pa lamang ay namuhay na sila ng matiwasay noong nahati ito.
Pero inatasan ko ang mga paaralan sa ordinaryo na hatiin ang kanilang kuriculum sa impormasyon ukol sa ordinaryo pati sa mafia. Mayroon na rin silang pagsasanay na tama lang pangdepensa sa sarili lamang nila.
Mayroong pupuntahan akong misyon ngayon, ngunit nakita kong si Die sa harap ng pintuan ng mansyon.
"Bakit narito ang aking asawa? Akala ko ay nagsasanay ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan.
"Magpahinga ka." Diretso niyang sabi.
Napabuntong hininga ako, ito na naman. "Saglit lang to—" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Hindi, pumunta ka sa kwarto ngayon ako na ang gagawa ng misyon mo." Hindi ko na mapipigilan si Die pa dahil determinado siyang pigilan ako.
Umakyat ako sa kwarto at sumunod din siya, pinaliwanag ko sa kanya ang dapat na gagawin sa misyon ko at agad na siya tumungo roon para matapos kaagad ito.
Siguro, kailangan ko munang magpahinga baka nakakasama ito sa bata. Hinimas ko ang aking tiyan. "Pasensya na kung hindi kita napagtuunan ng pansin."
Lumipas ang ilang buwan, nanganak na ako. Babae ang naging anak namin. Pinangalanan namin itong Labrienette Iode Ernest, isang malusog na bata at napakaganda nito.
Tanging sina Ama at Ina ang nag-aalaga kay Lie habang lumalaki ito dahil sa mga misyon at transaksyon na mayroon kami ni Die.
Pero sa tuwing nakakasama namin siya, hindi namin sinasayang nga oras na iyon, na ipahiwatig sa kanya na mahal na mahal namin siya.
Hindi namin akalain na lumaking mabuting bata si Lie, maunawaiin ito, matalino, mabait, atsaka higit sa lahat maganda ito, tila bang lahat ng gusto ng isang magulang ay nasa kanya na.
Sa edad na apat na taong gulang nagkaroon na siya ng interes sa pakikipaglaban, at napansin ni Gun ang pagkagusto nito sa sniper na baril.
Siyempre, hindi namin pa pinapayagang gumamit si Lie ng mga armas dahil delikado ito sa kanya lalo na't hindi pa siya bihasa na gamitin ito.
Pero ayon kay Gun, habang tumatagal ay gumagaling na ang depensa at opensa ni Lie sa mano-manong laban. Kung may matigas ito na katawan maaring malakas ang pwersa na maibibigay niya.
Hindi lamang si Gun ang napamangha nito pati na rin si Ama at Ina, mabilis daw makakuha ng impormasyon si Lie at hindi ito napapagod na aralin ang mafia world.
Kahit gusto ko makita ang paglaki niya hindi ko magawa, humahadlang ang aking responsibilidad bilang mafia boss. Pero sana ay hindi isipin ni Lie na pinapabayaan lamang namin siya at wala kaming oras sa kanya.
Alam ko namang maiintindihan niya rin ang lahat ng ito balang araw sa oras na handa na siyang tumahak sa mundong ito.
Makalipas ang labing-apat na taon.
BINABASA MO ANG
Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)
Acţiune[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD