Kabanata XXVI

69 2 0
                                    

KILL'S POV

Dinaanan lang ako ni Die at nginitian naman ako ni Venus nang makita niya ako.

Pumasok ako sa silid aralan pagkatapos nila pumasok. Umupo si Die sa pwesto niya gayundin si Venus sa tabi ng lamesa ko.

Tama na, tinulungan nila si Die na makatakas sa ospital. Hindi na ako magugulat dahil naisip ko na maaring kasama si Die sa kanila base sa mga nakita ko nung mga panahong nasa kamay ko pa siya.

Dito ko rin napagtanto na kaya pala maraming impormasyon ang alam nina Felix ukol sa akin dahil sa buong panahon na nasa paligid ko siya ay ginamit niya iyon para kilalanin ako at alamin ang kahinaan ko.

Pinakiramdaman ko si Die, tahimik at seryoso lang ito nakikinig.

Isinilip ko ang tingin ko kay Venus, nakikinig din siya sa guro na parang isang ordinaryong estudyante rin, kung alam ko lang nakataas ang alerto nito sa akin.

Wala na akong sasayangin na pagkakataon, kukuha ako ng impormasyon mula kay Venus at hulihin siya. Maghahanap lang ako ng tamang tiyempo para gawin ang atake ko.

Sa kalagitnaan ng klase ay biglang nagpaalam si Venus sa guro na lumabas para ay magbanyo. Ito na ang pagkakataon na hinihintay ko.

Pinalipas ko ang isang minuto bago ako nagpaalam rin sa guro na lumabas ng klase. Nang ako'y makalabas ay tumungo ako kaagad sa palikuran sa palapag na kinaroroonan namin.

Nang pumasok ako ay nakita ko si Venus na naghuhugas ng kamay sa lababo ng palikurang ito, hindi niya ako nilingon dahil mukhang inaasahan niya ang pagdating ko.

"Bakit at naparito ang heiress? May kailangan ka ba sa akin?" Pagsisimula nito.

"Nasaan ang lokasyon ni Felix?" Isinara niya ang gripo at pinatuyo ang kanyang mga kamay gamit ang tissue.

Tumingin siya sa salamin at pinagmasdan ang kanyang mukha. "Bakit ko sasabihin sa iyo? Kahit heiress ka ng Eastern dapat ba ay susundin ko gusto mo at sabihin ang lokasyon ni Felix? Nagkakamali ka, dahil alam ko na alam mo na hindi ko sasabihin ito sa iyo." Dumilim ang paningin ko, hindi na ako nag-atubiling umatake, hinila ko kaagad ang kutsilyong nakatago sa aking hita.

Humarap ng mabilis si Venus sa akin, umatake ako para itusok sa kanyang tagiliran ang kutsilyo ngunit naiwasan niya ang atakeng ginagawa ko. "Hindi baril o pistol ang gamit mo. Mukhang iniisip mo ang mga ordinaryo, hindi tulad noong araw na iyon na kung saan ang mga kasamahan mo ay hinayaan mong mamatay."

Patuloy lang ako sa pag-atake at nadedepensahan niya naman ito. Agad niyang sinalubong ang atake ko sa pagkakataon na ito, tanging gamit niya lamang ang kanyang mga kamay. Sa pamamagitan ng pagbangga ng gilid ng kanyang kamay sa ibaba ng aking kamay, nagagawa niyang pigilan ang paglapit ng kutsilyo.

Patuloy lang siya sa pagsagawa nito, nag-isip ako ng ibang paaran at hindi na ako nag-alinlangan pang baguhin ang atake. Naisipan kong sa posisyon namin ngayon, si Venus ay pwede ko makorner sa dulo ng palikurang ito.

Masasagawa ko lamang ito kung mapaatras ko siya hanggang sa dulo. Sa pagbago ng atake ko ay isinama ko na rin ang aking mga paa sa opensa.

Dahil iniisip niya lamang ang pagpigil ng atake ko sa kanya ay di niya namalayan ang pinaplano ko.

Matagumpay ko siyang napaatras hanggang sa dulo.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon