Kabanata XXII

2.1K 52 0
                                    

KILL'S POV

"Mukhang nabawi mo na ang buong lakas mo mula sa natamo mong pinsala noong nakaraang laban natin." Ngiting sabi ni Felix.

"Gayundin sa iyo, matagal talaga namamatay ang masamang damo." Tumayo ako at itinutok ang M4 at pistol ko sa direksyon niya.

"Ngayon, tingnan natin kung sino ang mananatiling nakatayo sa labanang ito." Itinutok niya ang AK-117 nito sa akin.

Nagpaputok siya at iniiwasan ko ito, bumalik ako sa pwesto ni Death nang itutok niya ang baril doon.

"Mukhang may responsibilidad ka katulad nung una." Bigla akong natigilan nang nasa harap ko si Soul.

"Soul! Anong ginagawa mo?!" Ani ko, nakaharap parin si Soul kay Felix.

"Itakas mo si Death papalayo rito, ako na ang bahala sa lalaking ito." Pipigilan ko sana siya nang makita ko ang mukha ni Soul, napabuntong hininga nalang ako.

Seryoso si Soul, at hindi ko na siya mapipigilan.

Hinayaan kong nakipaglaban si Soul kay Felix habang ako ay naghahanap ng paraan para tanggalin ang posas ni Death.

Naging alerto ako nang may kutsilyo na dumating sa direksyon ko.

Venus.

"Isang maligayang pagbati sa iyo, tagapagmana ng Lafauci." May hawak si Venus na PDW-57.

Hinarang ko ang sarili ko mula kay Death dapat protektahan namin si Death lalo na't walang malay ito at maari siyang matamaan kaagad ng ligaw na mga bala.

Tumakbo sa direksyon ko si Venus, binaril ko siya at iniiwasan niya ito. Papalit-palit kong ginamit ang M4 at ang pistol ko.

Nang makalapit si Venus, dinepensa ko ang sipa nito papunta sa mukha ko. Napaatras ako ng kaunti at ginamit ang pwestong iyon para gawin ang round kick na naiwasan naman niya.

Hinampas ko ang baril sa likod ng ulo niya at napayuko siya. Sisipain ko sana ang tiyan niya nang depensahan niya ang tuhod ko gamit ang PDW-57 niya.

Agad akong tumalon paatras nang hawiin niya ang kamay niya at abutin ang buhok ko.

Itinutok ko ang M4 at nagpaputok, agad siyang gumulong sa kaliwa. Tumakbo ulit siya papalapit sa direksyon ko, ginawa ko ulit ang round kick para maialis ko sa kamay niya ang baril na hawak nito.

Tumilapon ang baril niya at nagulat ako sa atake niya, nang tumilapon ang baril niya, ginamit niya ang paraan na iyon para alisin rin ang M4 at pistol sa mga kamay ko.

Siniko niya ang kamay ko na may hawak ng pistol at sinipa ang isa kong kamay na may hawak ng M4.

Tumilapon din ito, agad kong inekis ang kamay ko dahil humabol pa siya ng atake gamit ang kanyang paa.

Malakas ang pwersa na nagamit niya kaya ramdam ko ang malakas na pagtama nito sa aking mga braso.

Nagboxing stance ako, at tumalon pakaliwa at kanan. Inikot ko ang aking ulo, kamay sa kamay na ito.

Sinuntok niya ako gamit ang kanang kamay niya at agad ko namang dinepensa gamit ang kanang kamay ko rin.

Hinawakan ko ang braso niya at inikot ko ang sarili ko para makatayo ako sa tagiliran niya.

Hinila ko ang kanang kamay niya papunta sa kanyang likuran, hihilahin ko sana ang buong katawan niya pababa nang malaman niya ang plano ko, agad niyang inikot ang braso niya para bawiin niya ang posisyon ng kanyang kamay kaya nabitawan ko ito.

Umatake siya ulit sa akin kasama na ang paa nito, sa tuwing suntok niya may kasunod na pagtuhod o pagsipa sa akin, mabilis kong dinepensahan ang lahat ng atake niya.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon