Manunulat

1.3K 34 1
                                    

Pakibasa po ang bahaging ito upang maunawaan niyo ang storya sa likod ng kwentong ito.

Ang kwentong ito na pinamagatang 'Beauty and her Mask' ay isinulat noong taong 2014.

Sinubukan ko itong i-revise at i-edit noong taong 2018 subalit ako'y di na kuntento nang binasa ko ulit ito, dahil sa tagal ng kwentong ito ay mayroong napakaraming maling gramatiko at teknikal sa pagsusulat.

Kaya napagdesisyunan kong ayusin at i-unpublish ito.

Ako'y nagpapahiwatig rito na ang kwentong ito ay maaring iba sa unang bersyon nito.

Sa mga nakapagbasa ng unang bersyon, alam kong hindi maganda ang aking pagkakasulat ng kwentong ito. Nasa sa iyo kung babasahin mo ulit ito o hindi. Kung babasahin mo ulit ito, isang napakalaking pasasalamat ang maiitugon ko dahil binigyan mo ulit ako ng pagkakataon na maikwento sa iyo ang kwentong ito.

Sa mga baguhan, aking ikinagalak na ipakilala sa iyo ang bagong bersyon ng kwentong ito.

Sana ay magustuhan niyo ang kwentong ito dahil ibinigay ko ang lahat upang mabuo ulit ito. Kung ika'y natutuwa sa aking isinulat nawa'y sana mag-iwan ng boto o komento na maaring makakatulong sa akin bilang manunulat.

Di ko na ito papahabain pa, at puwede na kayong pumunta sa susunod na parte ng kwentong ito.

Maraming Salamat!

-Zerozenn

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon