Kabanata XXXIV

70 1 0
                                    

KILL'S POV

Nandito ako ngayon sa mansyon, naghahanda para sa araw na ito.

Ang araw na ito ay ang kasal namin ni Die, oo, naging kami ni Die, isang taon na ang lumipas nang nagsimula kami maging kami.

Sa mismong gusali na kung saan ginaganap ang pagtitipon ang lokasyon ng aming kasal. Mas mabuti na rin na nasa teritoryo namin gaganapin ang kasal dahil hindi na namin kailangan pang maghanap ng ibang lokasyon.

Nung una ay napag-isipan namin na ganapin ito sa puntod nina Soul at Death pero napag-isipan namin na mas maganda na hindi namin sila gambalain roon.

"Napakaganda mo ngayon, anak." Ani ni Ina, lumapit si Ama sa kanya at tiningnan rin ako.

"Kamukha mo ang iyong Ina," Naalala ko bigla si Doctor Kleus, ganun rin ang nasabi nito sa akin.

"Pero kaugali mo naman ang iyong Ama, magkatulad na magkatulad talaga." Dagdag ni Ina.

Nginitian ko sina Ama at Ina, niyakap nila akong dalawa ng mahigpit. Pero siyempre prinprotektahan ko ang aking mukha, ilang oras rin ako nakaupo para rito. Naalala ko bigla si Death, kung narito siguro siya ngayon siya ang mag-aayos sa akin. "Ina, wag niyo akong paiyakin." Tumawa sila at binigyan nila ako ng mapagmahal na ngiti.

Di nagtagal ay umalis na sina Ina at Ama at naiwan akong mag-isa na nakatingin sa gown na susuotin ko.

Kulay puting gown na ang haba ay hanggang sa sahig, mermaid ang style nito na kung saan pinapakita nito ang buong kurba ng aking katawan at sa dulo nito ay nakabuka ito tulad ng isang bulaklak. May mga diamante ang disensyo nito na siyang nagpapaningning ng gown na ito.

Ngumiti ako sa salamin, hindi ko akalain na darating ako sa puntong ito. Kung hindi talaga dahil sa mga taong nagsakripisyo para sa akin, wala sana ako rito ngayon. Siguro naliligaw at bulag parin ako.

Hindi ko na kailangang magsuot na ng mask dahil nahanap ko na ang tunay na ako. Handa na akong harapin ang mga pagsubok na darating sa akin at hindi ko na kailangang itago ng aking pagkatao.

Kung hindi rin dahil sa maskarang iyon, hindi ko makakasama si Death at Soul ng panandalian at ng mas makilala pa si Die.

Ginawa talaga nila ang lahat para magkasalubong muli ang landas namin. May katok na siyang nagpatigil sa aking pag-iisip.

"Binibining Kill, nariyan na po ang kotse niyo." Ani ng isang mafia reaper. Isinuot ko na ang aking sandals at lumabas na ng aking kwarto.

Habang ako'y bumababa sa hagdan ay inalalayan ako ng ilang babaeng mafia reapers. Sumakay na ako kaagad sa kotse at isinara na nila ang pintuan.

Bigla akong kinabahan, ngayon muli ako nakaramdam ng kaba. Kailan ba ang huling kinabahan ako?

Ito na ang araw na hinihintay namin, atsaka malaki na rin ang pinagbago namin ng ilang taon. Mas namulat na kami ng husto sa aming layunin, gusto at kailangan sa mundong ito.

Mula ng kami'y bata pa ay tanging kasiyahan ang hiling namin sa isa't isa kung saan ganun parin hanggang ngayon. Hindi magbabago iyon.

Nakarating na kami sa gusali, huminga muna ako ng malalim at ibininuga rin ito. Hinawakan ko ang aking dibdib, nararamdaman ko ang kabog ng akong puso. Ito na talaga.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse at agad akong inalalayan nina Ama at Ina na makababa sa kotse. Nang maayos ko na ang sarili ko, nakangiting nakatingin sila sa akin anak.

Lumapit ako sa kanila at humawak ako sa kanilang mga braso. Bumukas ang pintuan ng gusali na siyang nagbigay ng tanawin sa akin sa loob.

Napamangha ako sa disenyo ng lugar, parang nasa isang napakalaking hardin kami na puno ng bulaklak. Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko, ang bulaklak ng zinnia, gamit ang bulaklak na ito doon unang nasabi ni Die ang nararamdaman niya para sa akin.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon