KILL'S POV
Tumungo siya sa direksyon ko at pinagmasdan ang aking mukha. Bigla itong ngumiti na parang may naalala siya sa kanyang nakikita.
"Ang aking pamangkin, wala ka sana sa mundong ito kung naging kami sa huli ng iyong ina." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Sila ni ina?
"Hindi ba naikwento sayo ng Ama mo ang katotohanan noong nakuha niya ang posisyon bilang Mafia Boss ng Eastern mafia world?" Ang alam ko ay si Ama ang tanging tagapagmana dahil siya ang panganay.
"Hindi siya ang nararapat sa posisyon na iyon! Ang iyong Ama ay isang mandaraya!" Nararamdaman ko ang galit mula sa kanyang boses. Kailangan kong maging alerto. Pinakiramdaman ko ang paligid ko, mukhang kami nalang ang naririto.
Tumalikod siya at naglakad palabas ng silid bago siya'y makalabas ng tuluyan may sinabi pa ito, "Tsaka nga pala, ensayo lamang ang ginawa mo kanina ang totoong laban ay gaganapin ngayon. Dito malalaman kung sino ang nararapat na susunod na Mafia boss sa Eastern."
Isinara ni Felix ang pintuan. "Kung hindi ka lang umabot sa aking mga kamay edi sana buhay ka ngayon." Umiling siya.
"Malayo ka sana sa patibong kaso ikaw ang lumapit nito." Pumunta siya sa isang sulok at may pinindot. Nagbukas ang isang pintuan sa likuran namin.
Tiningnan ko ito ng mabuti, isang kagubatan. Daan ba ito palabas?
"Kung gusto mo malaman ang totoong nangyari sa pagitan ng ating mga Ama, pagbibigyan ka namin. Dahil sa oras na malaman mo ito, ako na ang nagwagi." May hinagis siyang spada sa direksyon ko, mabuti at nakapagpahinga ako dahil sa ginawa ng kapatid ni Ama kaya nasalo ko ito ng maayos.
"Bago tayo'y magsimula, maghihiwalay muna tayo ng direksyon at makalapas ang ilang minuto doon na natin hanapin ang isa't isa." Naglakad na si Felix at nawala na sa paningin ko.
Lumabas ako sa silid at tiningnan ito. Nasa likuran kami ng mansyon na ito. Mukhang teritoryo ito ng kapatid ni Ama.
Mayroong kagubatan ang nasa paligid nito katulad ng mansyon namin. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos dahil maaring may reapers rito at gumawa sila ng patibong para tapusin ang buhay ko kaagad.
Naglakad ako papasok sa kagubatan habang nagmamasid sa paligid. Tinitingnan ko ang kapaligiran sa maaring atake na mangyayari.
Tumigil ako sa isang malaking puno dito sa kagubatang ito. Mukhang ito ang sentro nito, mahahanap ni Felix ako kaagad kung babasehan niya ang punong ito.
Inikot ikot ko ang spada. Hihintayin ko nalang ang pag-atake ni Felix sa akin, alam kong darating at darating siya sa lokasyon ko.
Gagamitin ko ang pagkakataon na ito na konserbahin ang lakas ko.
Bigla akong nakarinig ng kaluskos at kasabay nito ang pagsalita ni Felix.
"Sumuko ka na Kioreen! Wala kang laban sa akin." Nagsalubong ang aking mga kilay. Nakita ko siya sa hindi kalayuan na may hawak na baril.
Inaalala ko ang bago paglisan namin sa silid. Mukhang ako ang may spada, habang siya ay may baril.
Isa itong pabor na posisyon para sa kanya, pero hindi ko hahayaang na madali lang ito matatapos.
"Hindi ako natatakot sa isang katulad mo." Pinosisyon ko ang aking sarili. Kailangan ko lang gumalaw ng mabilis para makaatake sa kanya, mukhang madali pero hindi ko magagawa ito dahil sa lakas na mayroon ako, hindi pa nababalik ng buo ang lakas ko.
"Kung yan ang gusto mo, matino naman ako kausap." Bigla siyang nawala sa paningin ko. Itinaas ko ang spada sa bandang mukha ko para sa depensa.
BINABASA MO ANG
Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)
Action[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD