Thank you caaaaaaaaaai for following.
Bestfriend
by: composmentisgirl
Siya ay bago lamang sa aming paaralan
Bakas na bakas sa kaniyang mukha ang lungkot at kaligayahan
Lungkot, dahil siguro sa pangungulila sa mga dating kaibigan, at paglisan sa mga masasayang karanasan
Kaligayahan, dahil siguro sa bagong kapaligiran, at sa mga bagong kaibigan
Lumipas ang mga araw at siya'y tahimik lamang
Nakikinig sa klase at makikita mong hindi naman siya mangmang
At dahil nga ako'y isang palakaibigang nilalang
Siya'y aking nilapitan at nakipag-daldalan
Dumating ang mga panahon
At araw-araw siya'y bumabangon
Mapapansin mo na ang kaniyang matatamis na ngiti
At mga halakhak na nagmumula sa kaniyang labi
Naging matalik na magkaibigan
Lahat ng hirap ay ating nilabanan
Kahit ano pa ang unos na dumaan
Hindi matitibag ang ating pagsasamahan
Ngunit siya'y dumating sa buhay mo
Isang lalaking nagbigay ng espesyal na pagtingin sayo
At unti-unti ako'y kinalimutan mo
At nang lumao'y binura mo na sa buhay mo
Sana'y masaya ka sa piling niya
Sana'y maging maligaya ka sa kaniya
At kapag sinaktan ka niya
Andito lang ako para pasayahin ka
Kinalimutan mo man ako
Mananatili ka sa puso ko
Sabihin mo man na baliw ako
Ikaw at ikaw parin ang tinitibok ng puso ko
***
AN: #BoyBestfriend
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...
![Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️](https://img.wattpad.com/cover/136733159-64-k984599.jpg)