Kalikasan
by: composmentisgirl
Sa bawat patak ng oras
Panahon ay dumadating at lumilipas
Ang kalikasan na nagbibigay satin ng lakas
Unti-unti nang naglalaho na parang wala ng bukasAng pagpuputol ng mga puno
Ay katumbas nang pagkawasak ng mga puso
Sa dagat dumadaloy ang mga itim na likido
Mga kaluluwa'y nababalot ng maitim na pagkataoAng isa-isang pagkamatay ng mga hayop
Dahil lamang sa modernisasyong sumasakop
Ang kalikasan na sa ati'y kumupkop
Iniingatan pa ba ng buong lupalop?Ang kalikasan na naging ating ina
Maililigtas pa ba't maisasalba?
Ang kalikasan na tumutugon sa pangangailangan ng bawat- isa
Unti-unting nang nasisira at nagdudusa***
AN: V A C A T I O N 😍
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...