Requested by Val Sorinio
Bakit Masarap Ang Bawal?
by: composmentisgirl
May mga bagay tayong paborito
Mga bagay na pinapahalagahan natin at gustong-gusto
Kung wala ito'y parang boring ang buhay ng isang tao
At sa lahat ng bagay ito ang mas nakasisiya sa iyoMinsan, sa sobrang pagkagusto mo sa isang bagay
Lahat ng pansin ay matutuon mo rito't wala ka ng oras sa ibang pakay
Parang dito umiikot ang iyong buhay
At ang mga paborito mo ang nagbibigay kulayHalimbawa, paborito mo ang matatamis
At dahil nasobrahan, ayun! Nagkaroon ka ng diabetes
Ngayon ika'y nagtitiis
Dahil ang paborito mo'y iyo nang nami-missBa't nga ba masarap ang bawal?
Bakit ba ang bagay na gusto natin ang ipinagbabawal?
Bakit nila tayo sinasakal
Sa mga bagay na bigay ng maykapal?Ang mga bagay na bawal sa atin
Ay hindi ginawa upang tayo'y hamakin
Ginawa ito upang bigyan natin ng pansin
Na iiwas sa kapahamakan at ilagay sa kabutihan ang buhay natinMasarap ang bawal kasi ito ang gusto natin
Masarap ang bawal kasi ito ang nagpapasaya sa atin
Masarap ang bawal kasi minsan palaisipan sa atin kung anong mangyayari 'pag sinubukan natin
Masarap ang bawal kasi ito na ang nakasanayan natinLahat ng bagay na sobra ay nakakasama
Mapa-bagay man yan, gawain, pagkain o maging ano pa
Kung di mo gagawin at gagamitin ng may tamang tansiya
Sa huli, ikaw lang din ang magdudusa***
AN: Ang sasabaw ng poems ko. 😶
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...