Requested by Karyl Jane Delos Reyes
Bitiw Na, Bitawan Mo Na Siya
by: composmentisgirl
Alisin mo na ang kamay mo sa palad niya
Luwagan mo na ang mga bisig mong nakayakap sa kaniya
Hayaan mo siyang tumakbo papunta sa iba
Hayaan mo siyang umalis at maging masayaMga alaala'y itatago na lang
Mga alaalang hindi mabilang-bilang
Mga alaalang sayo'y naging kulang
Mga alaalang sa hinaharap ay muli kong isisilangPalalayain na kita
Kalilimutan ko nang mayroong tayong dalawa
Ibabaon ang mga pangakong, naglahong parang bula
Lilisanin ang lugar kung saan puso'y naging isaAko'y magpapakumbaba
Ako'y magpapaubaya
Hihilahin pababa ang lobong nagsilbing pag-asa
Ititigil ko na ang kahibangang nagturo saking maging masayaHindi na ipipilit kay tadhana
Hindi na magmamakaawa kay bathala
Kung ito nga sa atin ang nakatakda
Hindi na babaguhin ang propesiyaBibitawan na kita
Kasabay nang pagbitaw ko sa pagmamahal mong fake news lang pala
Itutuloy ang buhay na nakagisnan na
Sasabay sa agos ng dagat at mga luhaPakakawalan na kita
Kakalagan na ang pusong sayo'y nakatali pa
Puputulin ang koneksiyong namamagitan sating dalawa
Ngingiti kahit kalungkutan ang kislap ng mga mataSusubukan kong maging matatag
Gagawin ang lahat upang isipa'y mapanatag
Buong pusong kalilimutan ang tulad mong dilag
'Di ka na iisipin kahit may mga bagabagAko'y magpapaalam na
Ibubulong na lang sa hangin ang 'di masabing salita
Isusulat na lang sa tubig ang naudlot nating kabanata
Susunugin na lang sa apoy ang larawan ng ating malungkot na pagsasamaIhahanda ang sarili sa parating na pagsubok
Iaahon ang sarili mula sa pagkakalugmok
Lalabas na sa pinagtataguang sulok
Ang ating kuwento ay bibigyan na ng tuldokSa pagsilip ng buwan sa bintana
Sa pagkatok ng bituin saking mga mata
Matatanaw ang iba't-ibang planeta
Ngingiti kasabay ng mga tala***
AN: 😌
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poesía"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...