Requested by tfxifyoudontmind
Old Nick
by: composmentisgirl
Ang mundo'y nababalot ng kadiliman
Ang puso'y nababalot ng kapighatian
Ang isip ay nababalot ng kasamaan
Ang kaluluwa'y nababalot ng kasawianIsang nilalang na kaaway ng ating haring ama
Isang haring nagmula sa ilalim ng lupa
Huwag magpapatalo sa temptasyon niyang dala
Huwag basta maniwala sa makikita ng iyong mataIsang halimaw kung siya'y ituring
Halimaw na bawat isa sa atin ay kapiling
Halimaw na ni minsa'y hindi natin hiniling
Halimaw na hindi natin alam kung saan galingHuwag makinig sa kasamaang bulong ng hangin
Huwag basta titikim sa pagkaing inihain
Huwag basta pumayag sa kadilimang ibinilin
Huwag basta maniwala sa mga kuwentong isinalin-salinUnti-unti kang lalamunin ng iyong sariling halimaw
Kasalana'y mas dadami hanggang sa mundo'y gumunaw
Ang mga sungay ay unti-unting lilitaw
Sa ating ama, sangkatauha'y unti-unting bibitawSiya ay darating mula sa impyerno
Sa nagbabagang apoy, siya ang namumuno
Sa mga makasalanan, siya ang ninuno
Sa kasalanan ni Adan at Eba, siya ang nagpasimunoAng Diyos ng mga demonyo
Pinaniniwalaan ng mga makasalanang tao
Sa mga kriminal, siya ang kanilang anito
Niyayakap ng mga taong hindi naniniwala kay KristoSa lahat ng nangyayari sa buong mundo
Ay dulot ng mga taong sa kaniya'y nagpapa-uto
Resulta ng pagtalikod sa haring totoo
Ang siyang bunga sa pagkawala ng pananampalataya ng mga taoSa kampon ni Satanas tayo'y umiwas
Ang kaniyang mga batas ay hindi naging patas
Sa mga tao siya ang nagbibigay ng malas
Sa tali ng kasamaan tayo ay kumalasManalig sa ating dakilang Panginoon
Na siyang nagmahal sa atin mula noon hanggang ngayon
Na siyang nagbigay ng biyaya sa lahat ng nayon
Na siyang magliligtas sa atin mula sa mainit na pugon***
AN: Please give credits to the author. Originally made. Please don't plagiarize.💕
-Ate CM_👑✖
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poesia"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...