A Tribute To Yahweh
by: composmentisgirl
Ikaw ang pinagmulan ng lahat
Mula sa araw na sumisikat
Sa mga nilalang na nabubuhay sa dagat
At sa mga punong sa mundo'y nakakalatIkaw ang aming tagapaglikha
Mula sa mga nilalang na nabubuhay sa lupa
Sa mga tao na hinulma sa iyong itsura
At sa gabing may nagniningning na mga talaIkaw ang Alpha at Omega
Ang bahaghari pagkatapos ng ulang tumila
Ang pag-asa matapos ang napakatinding pagbaha
Ang kapayapaan matapos ang napakalungkot na giyeraIkaw ang pinagmulan at ang katapusan
Ang tagapagpatawad sa lahat ng makasalanan
Ang nagbiyaya sa lahat ng may kakayahan
Ang nagpapahupa sa lahat ng kalungkutanAng milyon-milyong salamat ay hindi sapat
Sapagkat ikaw sa mga tao ang nagpamulat
Sa mga bagay na dapat at 'di dapat
At sa sampung utos na sa bato'y iyong isinulatHindi sapat ang bilyon-bilyong patawad
Upang kasalana'y mapatawad kaagad
Kami'y nananalig at naghahangad
Na sana sa iyong kaharian ay mapadpadKaming lahat ay babalik din sa abo
Sa lugar kung saan mo kami binuo
Kaming makasalanan ay tinanggap mo pa rin ng buong-buo
Sa nakakapasong apoy, kami sana ay iligtas niyo***
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...