Ako'y isang musmos
Biniyayaan ng pagmamahal na umaapaw at hindi nauubos
Isang butong nagsisimula pang sumibol
Sa hardin ng mapait at masalimuot na tagsibol
Ikaw ang nagpamulat sa kasadlakan ng kasalukuyan
Ang nagpaintindi sa kasawian ng nakaraan
Ang nagpagising sa kahihinatnan ng hinaharap
Ang naging haligi upang matupad aking mga pangarap
Salamat, sa walang sawang pag-aaruga
Salamat, sa pagbibigay ng direksyon, kung ito ba'y mali o kung ito ba'y tama
Salamat, dahil hanggang ngayon ako'y patuloy na nabubuhay
Salamat, sa buong pusong gabay at pag-alalay
Ikaw ang nagbibigay ilaw sa madilim naming tahanan
Ang nagbibigay lakas sa tuwing sasapit ang kahinaan
Ikaw ang ugat ng aking tagumapay
Na sa pagdating ng panahon ay aking ibabalik at muli kong ibibigay
-composmentisgirl
***
AN: To my evil queen.😝
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Поэзия"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...
![Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️](https://img.wattpad.com/cover/136733159-64-k984599.jpg)