Modern Warriors
by: composmentisgirl
May mga bayani ng nakaraan
Meron din namang bayani ng kasalukuyan
Noon sa mga mananakop sila'y nakipagsapalaran
Ngayon sa hirap ng buhay sila'y nakikipaglabanSila ang ating mga naging bayani
Mga bayaning nagmula sa iisang lahi
Mga bayaning nagmula sa iisang lipi
Mga bayaning buong-pusong inialay ang kanilang sariliHindi man baril ang hawak
Nagawa nila sa lipuna'y tumatak
Hindi rin sila gumagamit ng kalasag at itak
Ngunit nag-uugnay sa mga pusong nagkawatak-watakMagbigay pugay sa mga manggagawa
Mapa-pulis man yan, sundalo o ano pa
Lakas ng loob at kasipagan ang kanilang naging sandata
Upang sa hamon ng buhay ay magkaroon ng pag-asaPamilya ang kanilang inspirasyon
Pagmamahal ang nagbigay ng didikasyon
Sa alon ng kahirapa'y gusto nilang umahon
At dahil sa pagpupursige'y nabigyan ng pagkakataonNgayo'y nakamit na natin ang kalayaan
Kalayaan na nagbigay satin ng mga karapatan
Karapatang lumaban sa katiwalian
Gamit ang pananalita at hindi dahas sa pakikipaglabanAng pagbubuwis ng buhay
Ay hindi nag-iisang patunay
Na sa pakikipaglaban sa kaaway
Ikaw ay maituturing na bayaning tunayMinsan, ang katapata'y sapat na
Tulad na lang ng gawain ng mga manggagawa
Kung tapat ka sa trabahong ginagawa
Magtatagumpay ka sa lahat ng problema na makakasalamuha***
AN: Aish. Ang sakit po talaga ng ulo ko. Sorry kung lame.🙏💕
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...