Dedicated to Yamkokie. Thanks for voting ATNM (Bata).
Bagyo
by: composmentisgirl
Isang dilubyo ang dumating
Parang leong nagwawala ang mga hangin
Papalakas ang patak ng ulan
Ang bigat sa puso'y aking lulanAng mga puno'y nagsasayawan
Ang mga tao'y naghihiyawan
Ako'y nanatili sa aking kwarto
At pinagmasdan ang isang napakalaking bagyoSa pag-ihip ng hangin
Mga tao'y takot na baka ang bahay nila'y tangayin
Tulad na lang ng pagmamahal mo sakin
Ako'y takot na baka sa iba ka na tuminginKasabay ng paglagas ng mga dahon
At ang malalaking tubig sa dagat umaalon
Nahulog ako sayo
Bitbit ang napakalaking parte ng pagkatao koMga tao'y nanatili sa isang sulok
Mga naranasa'y isang malaking dagok
Ako'y nag-iisa sa isang sulok
Paghihiwalay natin, sa buhay ko'y isang napakatinding dagokRamdam na ramdam nila ang ginaw at lamig
Marami na rin sa kanila ang nakahandusay sa sahig
Naramdaman ko ring pakikitungo mo'y nag-iba
At doon pumapasok sa isip na baka may mahal ka ng ibaGusto nilang makakita ng ilaw
Gusto kong ikaw ay hindi bumitaw
Gusto nilang makadama ng init
Ngunit ang pagmamahal mo'y unti-unti ng lumiliitSa bawat pagpatak ng ulan
Mga masasamang ala-ala'y gustong kalimutan
Sa bawat dagundong ng mga kulog
Mas gugustuhin kong pumikit at matulog***
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...