Fake
by : composmentisgirl
Maraming bagay ang peke
Swak dyan yung mga gamit na nabibili sa kalye
Yung mga replikang nabibili lang ng bente
At yung na-aafford lang daw ng mga pulubiPero yang peke, 'di lang sa bagay nakikita
Makikita mo rin yan sa mga taong iyong nakakasalamuha
Akala mo totoo yun pala nakamaskara
Isang mabangis na ahas na tutuklaw sayo 'pag nakatalikod ka naBakit ba may ganyang katauhan?
Yung tipong 'pag may kailangan tsaka ka lang kinakaibigan
Yung tipong sisiraan ka 'pag 'di ka sumakay sa usapan
At yung tipong nginingitian ka kasi yun ang galawanAng pagiging peke ba may sweldo?
Marami kasing ganyan at pakalat-kalat sa mundo
Yung akala mo orig hindi naman pala totoo
Yung akala mong kaibigan, ginagamit ka lang pala at nilolokoKung baga sa bulaklak, ikaw ang natural siya yung plastic
Mga kasinungalingan siya ang naghahasik
Kung maka-arte talo pa ang may saltik
Kung ngumawa nagmimistulang biikNagagawa ba nila yan dahil sa inggit?
Baka naman dahil sa poot at galit?
'Pag may naaachieve ka ngumingiti ng pilit
At 'pag umalis ka tinadtad ka na ng panlalaitKaya kayong nagbabasa diyan
Kung may kaibigan kayong tunay inyo sanang pagkaingatan
Sapagkat sila ang makakasama mo sa bawat ugoy ng duyan
At kaagapay mo sa lahat ng lungkot at kasiyahan***
AN: I really have problem in writing ending parts. 'Di ko masyadong nai-express yung wakas ng poems. 😢

BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...