Berdeng damuhan
Paraiso, ito'y naturingan
Katahimikan ay iyong mahihimigan
Kapayapaan sa bawat segundong dumadaan
Luntiang mga dahon
Unti-unting bumabagsak at lumilipad na tila mga ibon
Sumasabay sa hangin na tila umaalon
Sumasayaw sa ritmo at agos ng panahon
Puting mga bulaklak
Kakulay ng mga anghel at ng kanilang mga pakpak
Makikita sa kaniyang mukha ang saya at galak
Ako'y tila'y hinehele ng kaniyang mga halakhak
Payapang ihip ng hangin
Isang dilag na 'sing yumi ng mga bituin
'Sing rikit ng mga rosas sa hardin
Katiwasayan ang tangi niyang dalangin
Banayad na daloy ng tubig
Alay niya'y puro't dalisay na pag-ibig
Pagmamahal na 'sing lamyos ng mga himig
Kaligayaha'y nakaukit sa kaniyang bibig
Kayumangging mga puno
Isang inang may busilak na puso
Mga matang puno ng pagsusumamo
Ngiting 'sing tamis ng mga keso
Inang kalikasan,
Patawarin aming mga kasalanan
Sa kidlat at kulog, kami'y nagugulumihanan
Sa bawat baha at bagyo, kami'y nalulunod sa takot at kasadlakan
Unti-unti kang sinisira ng mga basura
Nilalason ng kasamaan at madilim na panghihinuha
Naghahangad na ika'y mapanatiling dalisay at payapa
Mga tao sana'y pairalin ang sariling disiplina
***
AN: I based this poem from the picture, my teacher told me to do so.
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...
![Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️](https://img.wattpad.com/cover/136733159-64-k984599.jpg)