Sceneries
by: composmentisgirl
Ang pagsibol ng mga bulaklak
Sa hardin na animo'y humahalakhak
Ang ulan na unti-unting pumapatak
Sa isang anghel na nakatago sa sariling pakpak
Ang mga puno'y sumasayaw
Sa saliw ng mga ibong humihiyaw
Ang kalangitan na kulay dilaw
Sa nag-aagaw na gabi at araw
Ang luntiang kapatagan
Ang mahalimuyak na damuhan
Mga hayop na nagkakantahan
Mga ngiting 'di matutumbasan
Sa paghampas ng mga alon
Mga bangka'ng animo'y tumatalon
Mga inosenteng buhay na gustong umahon
Sa karagatang maihahalintulad sa isang malalim na balon
Dala ang baong pangarap
Para maabot ang dulo ng alapaap
Bituing sa gabi'y kumikislap
Kasiyahan sa puso'y lumalasap
Ang liwanag sa gitna ng kadiliman
Ang kapayapaan sa gitna ng kaguluhan
Ang katapatan sa gitna ng kataksilan
Ang pagmamahal sa gitna ng kasawian
Sa pagdanak ng pulang likido
Sa pagkawasak ng marurupok na puso
Ang pagsuko sa darating na dilubyo
Ang pagtalikod sa natitirang pag-asa upang manalo
Harapin ang sariling halimaw
Sariling halimaw, na sa kasamaa'y uhaw na uhaw
Sa kaharian ng Diyos ika'y dumalaw
Kadiliman sa puso'y sana'y malusaw
Bawat indibidwal na nabubuhay
Sa mundo, ay may iba't-ibang pakay
Lebel sa lipunan na hindi pantay
Ang pagsubok ng Diyos na siyang nagbigay buhay
Sa pagsikat ng araw sa silangan
Sa paglubog ng buwan sa kanluran
Sa hilaga na puno ng kahiwagaan
Sa timog mga puso'y nananahan
***
AN: I'm back.👑✖ (Nag-comeback kasi yung BlackPink, eh.😂)
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...
![Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️](https://img.wattpad.com/cover/136733159-64-k984599.jpg)