Ang Dakilang Siya
by: composmentisgirl
Sa isang panaginip nakita kita
Nakita kitang ibinubuwis ang buhay para sa iba
Nagsasakripisyo upang mailigtas sila
Inako ang parusa, na dapat ay sa kanilaNakita ko ang walang-hanggan mong pag-ibig
Ang iyong pagmamahal na 'sing dalisay ng tubig
Pagmamahal na 'di mailalarawan ng mga himig
Pagmamahal na sa buong mundo'y dumidiligNgunit ang mundo'y puno ng masasakit na katotohanan
Puno ng poot, galit at kalungkutan
Mga tao'y nabulag ng kasamaan
Mga tao'y nabalot ng kasadlakanIkaw ang Alpha at Omega
Ikaw ang Diyos aming Ama
Ikaw ang Panginoon at pag-asa
Ang aming minamahal na bathala***
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...