Requested by Jeankie Orial
A Change
by: composmentisgirl
Isa akong baguhan
Sa mga pakiramdam na 'di ko alam ang dahilan
Hindi ko alam kong bakit ako nasasaktan
At minsan nama'y nasisiyahanIsa lang akong simpleng babae
Na 'di gaanong attracted sa mga lalaki
Pero nung nakita kita natanong ko sa sarili
"Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko, anong nangyari?"Tuwing nakikita kita, tumitigil ang mundo ko
Parang nakikipagkarera sa bilis ang tibok ng puso ko
Parang may mga paru-parong naninirahan sa tiyan ko
At nagiging kamatis sa pula ang pisngi koIto ba yung tinatawag nilang kilig?
Yung 'pag naiisip kita mga balahibo ko'y tumitindig
Yung 'pag nginingitian mo ko gusto ko nang maglupasay sa sahig
At dahil sa guwapo mong mukha... Ayun, naihi ako sa kiligNatuto akong mag-ayos ng buhok
Lumabas sa pinagtataguan kong sulok
'Di na rin ako nangangamoy putok
Kahihiyan ay aking nilunokPero isang araw nakita kita
May kasama kang babae ta's ang ganda-ganda niya
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa
Yung puso ko nadurog, at ako nama'y lumuha ng lumuhaNasaktan ako sa nakita ko
Selos ba itong nararamdaman ko?
Pinilit maging masaya makalimot lang sa sakit na dinulot mo
At kinabukasan nalaman ko, pinsan mo pala siya.
Tsk, ang shunga koHindi ko alam kong crush lang talaga kita
Halo-halo ang nararamdaman ko, siguro mahal na kita
Salamat pala sa pagiging inspirasyon mo sa buhay kong dalita
Dahil sayo naranasan kong magbago at umibig tulad ng iba***
AN: Laughtrip ako dun sa putok,eh. 😂
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...