Dedicated to tfxifyoudontmind. Thanks for voting ATNM (LDR).
Buhay Estudyante
by: composmentisgirl
Gumigising ng maaga, upang di-mahuli sa eskwela
Nagpapaka-flash upang makapasok ng maaga
Ngunit dahil sa mabagal ang usad ng kalsada
Ang resulta? Ayun late ka pa rin sa eskwelaPumapasok sa eskwela upang matuto
Hindi hinihingan ng papel, sagot at gawing uto-uto
Pumapasok sa eskwela upang matuto
Umuuwi ng puno ng pasa at baldadoNakikinig sa guro upang may matututunan
Nakikinig sa guro upang may malaman
Tango ng tango kahit walang naintindihan
At may "Yes Ma'am, I understand." pang nalalamanSa eskwela nakakapagod
Mga leksyon naglalakbay sa utak mo na parang uod
Mga tanong sa exam pawang sa utak mo'y gustong sumugod
Kaya minsan ika'y tumatakas at tumatalon sa mga bakodNakakapagod talaga
Lalo na pag may exams ika'y natataranta
Mga projects na nakakalula
Mga performances na ang dadayaDumadating sa punto na gusto mo ng sumuko
Dumadating sa punto na pagod ka na matuto
Nakakamatay ang mga tukso
Lalong-lalo na ang larong Clash Of Clans at DOTA 2Sabi nila, importante raw mag-aral
Ang makatanggap ng diploma ay isa na raw parangal
Kaya kahit na ito'y medyo nakakasakal
Sa hinaharap ay nagbibigay ito ng nakasisiyang dangal***
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poesía"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...