-Thank you ThonyMij for voting TPD (Chapter 2).
Long-Distance Relationship
by: composmentisgirl
Nang dumating ka sa buhay ko
Sayo na umikot ang mundo ko
Sayo laging nakatuon ang oras ko
Pero bakit ganun, iniwan mo parin ako?Sa mga oras na ika'y kasama
Ramdam ko na ika'y masaya
Sa bawat kislap ng 'yong mga mata
Hatid saki'y lubos na ligayaAng ating pagmamahalan
Akala ko'y wala nang hangganan
Masasayang pinagsamahan
Bakit naglaho na lang ng biglaan?Nagpursige sa ibang bansa
Dala ang pangarap ng isa't-isa
Mahirap ma'y 'di nawalan ng pag-asa
Ngunit bakit ako'y iyong pinaasa?Sabi mo, "Mahal magpakatatag ka."
"Dahil kahit malayo ka mamahalin parin kita."
"Paglayuin man tayo ng ilang libong milya."
"Darating ang panahon na tayo'y muling magkakasama."Tumatak sakin ang mga huling sinabi mo
Lalo na ng sinabi mong mahal na mahal mo ako
Hindi ko akalaing ako'y pagtataksilan mo
Sa kabila ng paghihirap at pagsasakripisyo ko alang-alang sayoMatapos ang dalawang taong kontrata
Bumalik sa lugar kung saan unang nagkita
Naging sariwa 'di malilimutang alaala
At nag-unahang pumatak ang aking mga luhaMahal, kung asan ka man ngayon
Sana'y 'di mo malimutan pagmamahalan natin noon
Pagmamahalang naging aking inspirasyon
Upang aking nawasak na puso'y bigyan ko ng atensyon***
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...