Chapter 1

198K 5.1K 2.3K
                                    

Chapter 1
Burning Flowers




Bata pa lamang ako nang mamulat sa tunay na mundo, I didn't experience dreaming of a fairytale in this real world like girls my age who were busy playing barbies, watching fairytales and running dirty sweaty in the middle afternoon.

Katorse ako nang mamulat sa katotohanang hindi dapat pinangangarap ang mundo na hindi para sa mga prinsipe at prinsesa, hari at reyna o pagpapantasya sa isang tauhan na kailanman ay hindi naging totoo.

I had friends, same as my age but when I turned fourteen years old, I got bored hanging out with them. Biglaan lamang na tinamad ako sa pakikipag-usap sa mga isip bata. Hindi ko napansin ang pag-ayaw ko sa mga kadalasang gawain noong sampung taong gulang hanggang sa mag dose.

Thirteen years old when I got conscious about my life, that I should be more active in daily basis, not in playing but in healthy living like a fine lady.

"Fiore, heto na ang gatas mo."

Nakaharap ako sa malaking salamin ng tokador nang pumasok si Nana Celia, dala ang isang tray kung saan nakalagay ang isang basong gatas at cookies.

"I told Yna what I want before bed, and I believe it was not a glass of milk with cookies, po." I said lazily.

Pinanuod ko siya sa repleksyon na bahagyang napangiwi habang nilalapag sa maliit na lamesa ang tray.

Milk is healthy for bones, but I'm sure I have a strong one. Sinabi ko kay Yna na kung maghahatid sa akin ay lemon juice lamang at kung maari ay huwag na kaso hindi papayag si Mommy. She wants me to drink or have snacks before bed every night.

"Iyon ang ipadadala ko sa'yo bukas, heto kasi ang pinag-utos ni Fleur..."

Napaawang labi ko sa pag-intindi. I nodded slowly.

"Okay, Nana. Thank you, po."

Nakalimutan kong narito nga pala si Mommy nang umuwi ako kanina galing eskwelahan kaya marahil ay hindi siya sumama kay Daddy sa site at nanatili buong araw dito.

"Walang anuman, inumin mo iyan at huwag itapon dahil maraming bata ang nauuhaw sa ganyan araw-araw." she said before closing the door.

Bumuntong hininga ako at tumayo. I know that, hindi naman ako nagsasayang. Parati akong pinapangaralan nila Mommy at Daddy kaya alam ko ang mga may kakulangan sa mundo na aking nakukuha, hindi dapat ito sayangin.

Lumakad ako sa harapan ng salamin na pintuan ng walk in closet upang tingnan ang kabuuan.

I'm wearing a baby pink spaghetti strap silky short dress, my body is still young and slender but hips were proud that my waist looked more smaller. Arms and legs were long although I'm not too tall but I know I will be in the future.

Ang mga mata ko ay malalim na bilugan ngunit mapungay na mas ikinaganda nito. For me, these eyes were the asset of my whole face, kung titingnan ng mabuti ay madedepina ang marahang pagkakulay abo na kinaiinggitan ng aking mga kaibigan.

I also have thick eyebrows in a glamorous way I shouldn't be ashamed of, prominent nose and a natural pinkish lips. Kung mayroon man akong ayaw sa mukhang ito ay ang maliit na nunal sa itaas na gilid ng labi ko.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon