Chapter 28
Burning FlowersThe night is very cold and yet so warm for me. Ganoon siguro ang dala ng liwanag ng buwan sa kalangitan kapag malamig ang gabi, iyon ang nagbibigay ng bahagyang init sa kalamigan. Kapag naghalo ay sakto lamang sa pakiramdam.
Elexius warmth around me was very unfamiliar to feel this time, kung ipaliliwanag ko ang nararamdaman ko sa oras na ito ay baka magkulang ang buong gabi dahil sa magkakahalo at hindi na maintindihang pakiramdam ang ibinibigay sa akin ng kanyang yakap.
He just told me he's in love with me, iyong sinabi niya noong gabi ng kaarawan ko ay kasinungalingan? Maniniwala na ba ako? Masyado pa yatang maaga para paniwalaan ito, ah. Wala pa ngang paliwanag masyado pero nabubulag na ako at halos mabingi ng lahat.
I sobbed quietly.
"I'm not convinced, Elexius." I said straightly.
I'm not... yet.
Gusto ko pa ng paliwanag dahil hindi naman iyon simpleng bagay. Naiisip ko parin ang aking sarili, gusto kong malaman kung bakit kailangan niyang lumapit kay Amrose o kay Auntie.
Kung iisipin ko ang kay Auntie, alam kong hindi iyon malabo dahil halos magkaedad naman silang dalawa. Auntie is the youngest Zobel, bunsong kapatid nila Mommy. She's just six years older than me while Elexius is five years older than me. Ang lapit ng kanilang edad kung ikukumpara sa akin.
His chest heaved, marahan niya pa akong hinila para lalong mayakap ng mahigpit at mainit. My chest tightened, napapikit ang aking mga mata dahil sa hatid noong kaginhawaan sa aking puso.
"About what... you can ask anything." he mumbled beside my ear.
Huminga ako ng napakalalim.
"If you're really in love with me, bakit may Auntie Dianella? Bakit close kayo ni Amrose? I've seen you so close. Parang maghahalikan na nga kayo. And Liberty said you're always out with Auntie. Kung hindi totoo iyon, bakit masasabi niya ang bagay na iyon?"
Isa pa iyon sa aking palaisipan, tinanggi ni Liberty ang tungkol kay Rose at El pero pinatunayan niya namang si Auntie at El ang madalas niyang makitang lumabas. Maybe, she's a cousin of Elexius but I know she won't tolerate such things lalo na't alam niya ang pagkakalapit namin ni El noong bago ako umalis.
"It just came out like that but it's not really it." he whispered.
Huminga ako ng malalim.
"I'm so confused, El. You're confusing me. Alam mo, wala akong balak maghabol sayo kahit pa makita kitang may iba... pero, El, alam mo iyong respeto? You were my first kiss, we kissed and that issue really disgust me to the point I hated myself for giving you attention."
Kung alam ko lang na may pag-asang magustuhan niya si Auntie o kahit pa si Amrose ay iniwasan ko nalang sana. Ganoon ang gagawin ko kung sakali dahil wala akong balak makipag kumpitensya sa aking sariling kapamilya.
Kumunot ang noo niya.
"I don't even know how it came out like that... believe me." he whispered. "I have followed Amrose to get to you and about Dianella, I'm talking to her to ask about you. Knowing, Amrose is suffering from amnesia, I don't think I can get a lot from her so I tried Dianella..."
My forehead wrinkled. My mouth gaped in so many confusing questions and conviction that everything is just right but it was not.
He breathed in.
"It's all about you... I didn't date any of your relatives. No..."
"You used them?" bahaw at mahina kong tanong, umiling ako at kumalas sa kanyang yakap.