Chapter 36

108K 3.5K 1.6K
                                    

Kakaupdate ko lang, huwag niyo po akong madaliin sa update. Nag a-update naman ako ng mabilis at kung meron.


Chapter 36
Burning Flowers



Nagmamadali akong maglakad, nagpapasalamat ako sa mga mata kong matindi ang pagpipigil na magpakawala ng mga luha.

"Maayong hapon, Fab!" sumalubong ang nakatawang si Melo sa akin.

Tumango lamang ako at tipid siyang nginitian, nalampasan ko siya ng mabilis. Unti-unting nagmalabo ang aking mga mata kaya nagyuko ako ng ulo at mabilis dinampian ng palad ang aking mga mata upang mapigil iyon. Pinakawalan ko ang mabigat na hininga habang mabilis parin ang paglalakad.

I cannot believe this. Ano ang ginagawa niya rito ngayon? Ang kapal naman ng mukha niyang tumungtong sa aming lupain! Matatanggap ko pa kung nakita ko siya sa ibang parte ng Villa Terrazas dahil mas posible pang maisip pero ang makita siya ngayon dito mismo ay kakapalan ng mukha na.

After what he did? After he kissed my auntie? O baka naman kasama niya si Auntie na tumungo rito at nasa mansyon iyon ngayon? Couple, huh. Pinakilala na ba siya kay Abuela? Mukhang naipakilala na nga kay Phantom, e. Marahil...

Napairap ako sa sariling naiisip, mas lalong kumulo ang dugo ko at tumibay ang aking galit na baka sa oras na umuwi ako ng mansyon at makita ko si Auntie ay hindi ako makapagpigil na sumabog, iyon ang iiwasan ko ngayon.

Malaki ang respeto ko sa pamamahay ni Abuela. Hindi ko dapat madungisan dahil may hiya akong gumawa ng kamalian. Pwera nalang sa ibang tao.

Imbes na daang patungong mansyon ang aking tahakin ay sumalungat na ako sa kanan, mabuti pang pumunta na lamang muna ako sa ibang parte ng Villa ngayon para maiwasan sila. I didn't give him the address here, kaya posible talagang magkasama sila ni Auntie kaya nakapunta siya rito.

Double kill, Fab. Double kill na ako noong nakaraang araw nang makita iyon dahil pakiramdam ko'y tinraydor ako ng dalawang taong naging importante sa akin hanggang dito ba naman ay talagang pinersonal pa akong puntahan upang saktan? 

My heart ripped like a thin paper.

Isang mainit na palad ang bumalot sa aking payat na pulsuhan. My breathing halted. Nang maramdam ang pamilyar na kuryente ay para akong napaso ng sobra dahilan ng aking bayolenteng pagpiglas at pagharap sa kanya.

"Hey, wait. Medyo makapal, parang libro." nandidiri kong sinabi sabay bawi ng aking pulsuhan at kawala sa kanyang paghawak.

"Baby..." he called gently.

Sarkastikong namangha ang reaksyon ko nang angatan na siya ng tingin ngayon. Mapula ang kanyang kutis dala ng kainitan ng panahon, ganoon din ang butil ng mga pawis sa kanyang noo. The first two button of his polo were unbuttoned slovenly, mabibigat pa ang kanyang paghinga.

My brow arched, ipinakita ko ang malayang disguto at pagkamuhi sa kanya. Bahagya akong humakbang paatras upang dumistansya.

"Wow! Nakakagulat naman na narito ka talaga. Anong masamang hangin ang nag udyok sayong pumarito? Dirty naman ng hangin ng Earth." iritado kong sinabi habang natatawa.

Napapikit siya ng mariin at bumuntong hininga. I could not look at him for too long, naaalala ko ang kanyang parte ng mukha na nahalikan ng ibang babae. Hindi ko iyon maiiwasang hindi mapansin.

"Let me explain, Amaryllis." halos frustrated ang kanyang boses at nawawalan ng pasensya.

Oh wow. Alam niya pala. Akala ko ay magpapanggap pa na inosente sa lahat at walang nagawang kagaguhan.

"Okay... explain now." kalmado kong sinabi, pinagkrus ko ang aking mga braso sa dibdib at tamad na humalukipkip.

My heart is crumpling as the time goes. Hindi ko ito matatagalan kung wala akong natitirang pride para sa sarili. Baka kanina pa ako kumaripas ng takbo para lang iwasan siya o kaya naman ay baka humagulgol na ako gaya ng puso ko.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon