Walang update bukas.
Chapter 37
Burning FlowersSinabunutan ko ang aking sarili habang nakaupo sa kama, I feel so fucking frustrated. Iniisip ko parin ang lahat-lahat. Kung dapat ba akong magpadala sa awa dahil sa nangyari kay Auntie o dapat kong isipin din ang sariling pakiramdam na hindi mapalagay.
Maybe Elexius was right, I am this narrow minded girl.
Simpleng halik, pinalalaki ko.
But hell, it wasn't fucking simple for me!
Napatango ako habang pinapalis ang mga luha sa aking pisngi, marahan akong bumaba sa kanyang sasakyan at huminga ng malalim bago siya tipid na ngitian. He was looking at my face with worry in his eyes.
"Sige, ayos na ang paliwanag mo. I am now informed about what really happened behind the kiss. Pero..." nanginig ang boses ko. "But... I think I need air, I need a break from this. I'm sorry, El. Kahit naiintindihan ko ang paliwanag mo ay hindi noon maaalis ang nararamdaman ko ngayon."
Nasasaktan ako dahil hindi ako makapag-isip ng mabuti at tama, nangunguna parin ang pag-aalinlangan. Ewan ko, masyado na akong nabubulag ng pagiging desperada ni Auntie Dianella kung kumilos. Kahit ganoon ang naging paliwanag ay wala roon ang kasagutan kung bakit siya nanghalik.
Humugot siya ng malalim na hininga, napayuko ang kanyang ulo habang ang maamong mga mata ay nasa akin parin. Marahang kinuha niya ang aking kamay at ramdam ko agad ang kanyang panghihina nang hilahin ako ngunit hindi nagpahila kaya siya mismo ang nahila noon, his face immediately buried on my neck.
"Don't do this, please..." he murmured weakly. "Not the break up, Amaryllis. Ayoko. Huwag iyon."
Suminghap ako at humikbi, muling bumuhos ang luha ko.
"H-Hindi ko maintindihan, hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Naiinis ako dahil hindi ako tanga, El. Auntie likes you, she told me to stay away from you. Hindi ko gagawin dahil wala akong balak, pero ngayon..." I sighed. "Nai-stress ako, El. Ayoko ng ganito."
Masyado akong madamdamin sa mga bagay-bagay ngayon, hangga't maaari ay ayaw ko ngang makarinig ng hindi magaganda sa paligid dahil iniiyakaan ko sa gabi. I noticed that everytime I hear something about me. Kaya hetong nangyayari sa amin ni El ay gusto ko nalang matapos at huminto. I might have a mental breakdown because of stress and I don't want that to happen.
"Please, baby. Don't break me." he said. "I'll talk to her and tell her everything. Give me a chance..."
Napatiim bagang ako. My heart crumpled angrily.
"Mas lalong hindi, El. Kung ganyan ang gagawin mo, isipin mo ako. Makipag hiwalay ka muna sa akin bago ka makipag-usap sa taong desperadang makuha ka. At least, I have no right to feel hurt because we're done. Ganoon na lang, El."
Auntie is really desperate, she would do anything just to get Elexius. Kung ganoon siya kadesperada, wala akong laban dahil hindi naman ako magpapakadesperada para makipag agawan sa kanya. Tao si Elexius, hindi bagay na kailangan pag-agawan dahil may sariling utak kung kanino gugustuhin.
I just cannot bear hurting my own blood.
"I'll fix this... you don't need to break up with me."
Matabang na ngumiti ako at tumango ng tipid.
"Aayusin mo, pero paano kung siya ang hindi maayos? Ganoon parin." sambit ko. "I am very jealous and hurt, hindi gumagana ang isip ko sa ganitong lagay. Naiintindihan ko na muntikan siyang mapahamak pero may mali, e..."
![](https://img.wattpad.com/cover/135624344-288-k326293.jpg)