Chapter 39

117K 3.5K 1.1K
                                    

Watch, Singularity. Kim Taehyung just killed me so I'll kill your hearts in this chapter. Katamad. Joke.


Chapter 39
Burning Flowers



Hindi ako pinatulog nang gabing iyon, kahit na inimporma niya ako sa huli niyang text na siya'y nasa airport na paalis ng Zamboanga. Ang kanyang flight ay alas dose ng madaling araw. Nakahinga naman ako ng maluwag na walang nangyaring iba habang nagmamaneho siya. I waited for two and more hours for his text, dahil ganoon lang naman ang oras ng biyahe ng eroplano.

Halos apat na oras na ay wala akong natanggap at nakatulugan na lamang ang paghihintay, I was awoken from a dream I could not remember again. Umiiyak lamang ako nang magmulat ng mga mata, nasilaw ako sa liwanag na dala ng araw kinaumagahan. I immediately wiped my tears, I sat down while breathing ponderously.

I sobbed and took my cellphone from the bedside table, mabilis kong binuksan ang inbox noon at ang aming conversation ni Elexius.

Elexius:

Morning. I'm home.

It was sent five in the morning. Tulog na ako nang oras na iyon kaya hindi ko na namalayan. Alas otso na nang mamataan ko ang wall clock, so he's probably asleep by now.

I breathed out to calm my heart down. I was nervous. Hindi ko kasi alam ang nilalaman ng isip niya noong maghiwalay na kami kagabi, baka magulo at hindi siya makapag concentrate sa bagay na nasa harapan dahil doon kaya sobrang kabado ako na baka may mangyari.

But then, I thank God, he's home safe.

Me:

Okay.

Pagkatapos kong magreply ay dumiretso na ako sa banyo para makaligo at magpakalma ng puso, I just needed a cold shower for that. After fixing myself, I went downstairs to have a breakfast with Abuela.

Nakahanda na ang almusal para sa umagahan. There are a lot of food for breakfast like sunny side up eggs, bacons and hotdogs, ganoon din ang ilan pang gulay at prutas na masustansya para sa katawan na hindi mawawala sa hapagkainan ng Zobel.

Kumuha na ako ng pagkain at nilagay sa aking pinggan. Abuela glanced at me while taking a sip on her tea.

"Elexius Villareal was here last morning, he just told me he needs to go home for some reason but your punishment that he took will remain like that. Ipagpapatuloy niya raw sa kanyang pagbalik."

Huminga ako ng malalim at tipid na tumango.

"Nasabi niya ba sayo?"

"We talked last night, Abuela." I smiled a bit. 

Pero hindi ko alam na nakausap niya pala si Abuela bago ako, nagpaalam siya sa pag-alis at nagbigay pa ng paniniguro sa kanyang tinanggap na parusa para sa akin.

She sighed calmly, muli siyang sumimsim sa kanyang tsaa bago magsalita ulit.

"Maniniwala ka ba na kilala ko ang batang iyon magmula sanggol pa lang?" she chuckled. "Kilala ko ang magkakapatid pati na rin ang iba pang Villareal, sa madaling salita ay kapamilya na sila kung ituring."

My chest pummeled. Nakinig lamang ako sa kanya. Alam ko na iyon sa parteng kapamilya ang turingan ngunit hindi ni Abuela dahil ni minsan ay hindi ko nakita si Abuela sa ibang lugar noon gaya ng Laguna. I have just seen her in photos at Lola Eska's mansion. May ilan pa silang kapatid na hindi ko rin kilala.

I grew up with Villareals around, doon din nag-umpisa ang iba kong pagtingin kay Elexius habang nagkakaedad. Sa dami nila, hindi ko alam kung bakit si Elexius ang iniba ko sa lahat. Siya ang ayaw kong maging kapamilya. I thought it was hate and embarrasment because I've seen him with girls, kissing and hugging like they'd be forever like that but it was not hate at all, it is jealousy. 

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon