Chapter 34

110K 3.3K 1.4K
                                    

Chapter 34
Burning Flowers



"Ah! I'm so tired!" pabagsak na humiga ako sa damuhang malambot sa pakiramdam.

Humiga rin sila Ofe at si Dolo ay nanatiling nakaupo habang marahang pinaglalaruan at binubunot ang mga damo.

"Nakakapagod lumangoy!" halakhak ni Ofe.

Kapwa kaming nakatulala sa maliwanag na kalangitan ngunit wala na ang naghaharing araw. Ilang grupo ng kalapati ang nagliliparan ng sabay-sabay patungo kung saan.

I smiled and sighed. It's a week three! I'm still enjoying my days here, hindi nakakaburyo dahil parating may ginagawa sa bukid. Gaya parin noong una kong punta rito ang magagaang gawain para sa aming mga babae.

"Umiiyak talaga si Niña kanina, ano?" si Dolo.

"Oo, nakakatawa rin ang isang iyon. Hindi na nadala o nakahalata man lang."

Kumunot ang noo ko at nilingon sila, naupo na rin si Ofe ngayon. Ako ang naiwang nakahiga sa damuhan habang basa ang kasuotan dahil sa pagligo namin sa batis.

"Bakit? Anong mayroon?" kuryosong tanong ko.

"E, kasi nga si Chartreuse daw ay hindi na nakakadalaw! Hindi ko talaga makuha si Niña, bakit siya iiyak-iyak gayong wala namang ipinangako sa kanya si Chart?" natatawang sinabi ni Dolo.

Napangiwi ako at biglaang naupo, hinarap ko agad sila. Tinupi ko ang aking mga tuhod para itago sa loob ng malaki kong t-shirt, nanginginig ang aking baba nang humaplos ang hangin ng hapon.

"Maybe she really likes him so bad! Don't judge her, ganoon talaga kapag may nagugustuhan." sabi ko.

We feel so bad for not seeing them around, ganoon din ang nararamdaman ko noong bata pa ako at nagugustuhan si Elexius nang hindi nalalaman. Ang alam ko lang ay gusto ko siyang masilayan sa bawat araw na ginawa, hindi ako napapaagbigyan sa kagustuhan iyon kaya naman nakakaramdam ako ng kalungkutan kapag hindi siya nakikita.

"Hmp! Magkakagusto na nga lang iyong malabo pa sa tubig ng palayan ang pangangarapin! Gumagawa lang siya ng sarili niyang sakit sa puso." umismid si Dolo.

Humalakhak si Ofe.

"Ang sabihin mo, Dolo, e, nagseselos ka lang! Parehas lang kayong umaasa sa taong mahirap abutin ang standards! Gwapo, makisig at may sinasabi sa buhay si Chart. Malabo para sa babaeng nasa gitna lamang dahil mas compatible kung kapantay."

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Bumuntong hininga ako sa huli.

"Ano namang big deal doon, Ofe?" natawa ako. "Hindi naman porke magkaiba ng buhay na tinatamasa ay hindi na pupwede sa isa't isa. Chartreuse is a nice man, no doubt. Hindi malabong magustuhan ng kahit sino at hindi rin naman malabong magustuhan si Dolo ng katulad niya. We are all humans! May mukhang shokoy at serena lang, pero tao parin naman!"

Hindi ko alam kung bakit humagalpak sila sa huli kong nasabi. Ngumuso ako at tinukod ang aking mga kamay sa lupa, inunat ko ang aking leeg.

"Wow! Parang noong una lang ay diring-diri ka pang makapitan ng kapiranggot na putik mula kay Chart at sa iba pa, bakit ngayon ay parang kaylaki ng pagbabago mo?" si Dolo.

"Oo nga, e. Hindi ka na madirihin, talagang nahihiga ka pa sa damuhan at naliligo sa batis. Hindi naman sa pang-iinsulto pero anong nakain mong binhi at ganyan kang umasta?"

Humalakhak ako dahil doon, hindi naman nakakainsulto dahil totoo at hindi ako madaling mainsulto ng simpleng salita pwera nalang kung magmumula sa mga taong sobrang lapit sa akin, kapamilya ganoon.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon