Chapter 29
Burning FlowersElexius:
Date me today.
Me:
Huh? Why would I? Give me 10 valid reasons.
Napangisi ako habang binabasa ang aming usapan sa text kanina pa. Sinubo ko ang piraso ng pongkan habang nakapangalumbaba sa counter table at nakatingin sa aking cellphone.
Pagkagising ko palang ay mga texts na niya ang bungad sa aking cellphone, he was so early. Hindi ko alam na maaga pala siyang gumigising, noon kasi ay maaga ko lang siyang nakikita kapag may klase o kaya naman ay naglilinis siya ng sariling sasakyan sa labas ng kanilang gate.
Now, I still don't know what he's been doing. Probably, he's working already? Hindi ko lang alam kung saan dahil hindi pa ako nakakapagtanong tungkol sa ganoong bagay.
He replied. I pouted and read it.
Elexius:
1-10 you said you love me. That's the only reason why you should. Date me 'cause you love me.
Humagikgik ako, muli siyang nagtext.
Elexius:
But I love you more. So, 10-20, you'll date me 'cause you made me crazy like this. And I am missing you, I want to see you.
Tumulis lalo ang nguso ko para magpigil ng ngiting kumakawala na. I can't believe he's like this, sumobra yata ang pagiging cheesy at lambing sa text. After that night we had talked, three days ago, he became sweet and clingy. Noon nama'y clingy ako pero hindi ganito dahil takot akong masabihan ng mga katotohanan sa bagay na iyon. I was young and illegal to do such things, so... limits.
Me:
Miss agad? Sige, silip ako sa terrace para kumpleto na araw mo.
Nagkita naman kami kahapon, he brought me somewhere out of Laguna. Wala naman kaming ginawa kundi ang mamasyal at kumain. Ayaw ko kasing kumain sa labas kapag kasama siya at malapit sa mga kakilalang makakakita kaya ganoon ang ginawa niya.
Sa ngayon ay ayaw ko muna talaga sa tsismis lalo pagdating sa ganitong lagay namin, I want a peaceful relationship with him at least. Besides, hindi parin ako makamove on sa confession ni Auntie. Wala namang eksaktong linyang sinabi si El pero automatic na iyon, naintindihan ko na.
Elexius:
Akyatin ko kwarto mo.
Namilog ang mga mata ko.
Me:
Baliw ka ba? Kapag nahuli ka ni Mommy o kahit sino, malalagot tayo pareho! Behave, El.
Elexius:
Bakit kasi hindi mo pa ako ipakilala?
Suminghap ako at napailing. Agad akong nagreply.
Me:
That's not easy, El. Auntie just confessed to you, ano nalang ang sasabihin niya kapag pinakilala kita bigla?
I don't even know what really happened for almost a year of not being here! Si Amrose ay iwas sa akin kapag may family dinner sa ilang araw na lumipas ay magkakasabay kaming naghahapunan sa mansyon ni Lola, she couldn't even look at me straight!
Si Auntie Dianella ang parati niyang kausap sa ilang araw at ako ay walang magawang hakbang dahil mas lalong awkward kung ipipilit ko ang sarili sa kanilang dalawa na ramdam kong hindi nila magugustuhan. Si Auntie ay parating nasa amin, bakasyon daw nito sa taong ito kaya hindi abala sa kanyang projects sa US.