Chapter 40

132K 3.8K 1.7K
                                    

Chapter 40
Burning Flowers



Pained and enervated, marahan kong binuksan ang aking mga mata dahil sa liwanag na sumisilaw mula sa hindi ko malamang lugar, muli akong pumikit nang makaramdam ng pagkirot sa aking ulo. Ilang boses ang naghari sa ilang segundong pagkabalik ng aking malay.

"Abuela, I think we still need her parents' permission for this..."

"We cannot tell them about Fiore's condition, she's still young to decide for herself. Kailangan niya ng alaga. Ang mapalapit sa lugar ng gumawa sa kanya niyan ay hindi makabubuti sa ngayon." Abuela's strict voice echoed through my ears.

"But Abuela-"

"No more buts, Statice. Gagawin ko ang gusto ko para sa ikabubuti niya, hindi para sa ikasasama. The doctor advised me about it. I'll just talk to her once she wakes up."

My mind turned out black, remembering what happened to me before this. Ni hindi ko alam kung nasaan akong lugar pero naaamoy ko ang kemikal na nakakahilo para sa akin dahil hindi ko kinasanayan.

Warm tears fell down from the sides of my eyes. Sumariwa ang aking alaala, naikuyom ko ang aking nanghihinang kamao habang naiisip ang detalye ng pangyayari.

"What happened to her?" one cold tone of a woman's voice.

"Mom, she's a granddaughter of Eskaña Zobel, Abuela's sister in Laguna." Statice announced. "She had an argument with someone that caused her bleeding, almost lost her child."

"Iyong itinakwil ng mga Zobel na pangatlong anak?"

Hindi ko narinig ang pagsagot ni Statice. Hindi ako makapagmulat kahit na gusto ko nang malaman ang lahat tungkol sa aking kalagayan sa dahilang sobrang nanghihina ako sa lahat ng pumapasok sa isip ko na tila pumapatay ng puso.

"Ano ang napag-usapang plano sa kanya? Is she now all right?"

"Mag-usap nalang kayo ni Abuela, Mom." Statice said. "Her baby's not well, she lost a lot of blood. Nakabuti na rin na malapit ang mansyon nila Chartreuse at narito si Chandria upang maagapan ang kamuntikang pagkalaglag ng nasa sinapupunan niya."

My heart crumpled so bad.

"Who did that to her? Hindi ba dinala sa presinto at nang makasuhan agad? What she did is a very serious crime, maaring makapatay siya ng inosenteng sanggol!"

"Chart took care of it."

"Good. I need to leave now, I still have a case to attend. Kagaya ng bilin ni Mama, manatili ka rito habang hindi pa siya nagigising."

"I don't know what to tell her..."

"Tell her the whole truth, she needs to know her condition so she can avoid things might harm her again. Just tell it in a nice way..."

Do I still need to hear that? Narinig ko na ang lahat at para na akong pinapatay ng sariling pag-iisip at sama ng loob.

My baby's not well...

My baby... I have an angel in my tummy.

Ngayon pa lamang pumapasok iyon ng buong-buo at paunti-unti hanggang sa maproseso nang tuluyan. Nakakabaliw isipin, hindi ako makapaniwala na mayroong nabuo sa aking sinapupunan.

I then remembered what we did, we did it twice without protection at all but I didn't expect he'd spill inside. I thought he was withdrawing because he knows the consequences after that. I cannot tell, I don't know. Iyon ang aking una at hindi ko alam na gagawin niya iyon gayong mas maalam siya sa mga kahihinatnan pagtapos.

I don't have any regrets... kung mayroon man, ang malaman iyon sa pangyayaring muntikan pang ikawala. Nagsisisi akong hindi pa iniwasan ang may saltik na iyon, kung alam ko lang na aabot sa ganito. Sana naging mahina nalang ako at hindi na nagtapang.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon