Chapter 35

111K 3.3K 1.4K
                                    

Chapter 35
Burning Flowers

Everything, my world turned ravaged and my heart just cracked in a very dreadful way I don't want to touch 'cause I might hurt myself more. I suddenly felt the nightfall of my place, it was lightless... so black that blinded the afterworld I am in.

Kunot na kunot ang aking noo habang nanginginig ang labi sa sobrang sakit ng pakiramdam, hindi lang ako nasasaktan kung hindi nag-iinit sa sobrang galit at sama ng loob na dala ng... I furrowed my brows and gasped in frustration and pain.

Dala ng dalawang taong mahal ko at importante. I was right... about everything... about time, doubts, fears, sadness after happiness, trust, pain... love? Yes, always included. I was right, time is a traitor, it's a trick we should never trust. Kumukuha lang ng tamang tiyempo kung kailan tapos mo nang maranasan ang kasiyahan, ganoon kalupit ang oras.

Marahan akong bumaba sa tubig, kahit malakas ang ingay na dala ng malakas na ragasa ng talon sa 'di kalayuan ay hindi ko iyon matuonan ng pansin dahil nabibingi na ako sa sariling iniisip.

Huminga ako ng malalim at hinayaan ang sariling lumutang sa tubig para tumunganga sa mga dahon ng mayabong na puno sa itaas, iyon ang nagtatakip sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. I inhaled calmly, I need this cold water to calm my burning pain.

Bumuga ako ng hangin at nanatili sa aking pwestong pampakalma. As I closed my eyes, tears started falling.

My world would not stop rounding just because of pain, it is painful but I will never be this weak forever. I may be weak when I'm alone, but never in front of the people around me... especially those who hurt me.

Hindi ko na alam... pero dahan-dahan kong napagtatagpi ang mga butas na aking naramdaman noong mga nakaraang araw. Sa amin... sa kanya. Kaya ba siya parating moody kapag magkausap kami? I thought it was just because I don't want him to be here!

Hindi niya sinabing may iba na pala siyang gusto ulit... tiyahin ko? Nakakatawa na masakit sa dibdib, nakakatawa dahil hindi ko maisip na madidisgusto ako sa aking sarili sa dahilang ito at masakit dahil hindi ko tanggap pero kailangang tanggapin.

But... why? That's the only question I want to be answered truthfully without concealing anything. Kahit masaktan pa ako, bakit? Am I not enough? Or even if Auntie was the first, is she not enough?

Ngayon ko pinagsisisihang tikman ang kasiyahan... hindi nalang pala dapat kung ganito naman kapait ang kapalit. Mas ayos na ako sa sakto lang at balanse, hindi masaya at hindi malungkot pero kuntento.

Bagsak ang katawan na naglakad ako patungo sa kubo na parati naming pinagpapalipasan ng oras nina Dolo at Ofe, akala ko ay walang tao roon pero naabutan kong nagtatali si Chartreuse ng lubid sa sanga ng puno para gawing duyan, isang bata ang nanunuod sa kanya roon.

Pagkatapos niyang itali iyon ng mahigpit ay akmang bubuhatin niya ang maliit na bata para isakay doon pero tumakbo na iyon ng mabilis, sinundan ko ng tingin ang bata nang lumampas sa akin papalayo.

Huminga ako ng malalim, nang maglipat ng tingin kay Chartreuse ay nakita ko siyang natatawa habang sinusundan ng tingin ang batang tumatakbo. Huminga ako ng malalim at tumuloy sa bukas na kubo, nagsalin ako ng tubig sa baso para makainom.

Naramdaman ko na ang presensya ni Chart sa aking likuran.

"He told me he wanted to swing... tinakbuhan naman ako. Kids nowadays are very playful." natatawang aniya at gigil na ginulo ang aking buhok.

Napabuntong hininga ako at naupo sa kawayang upuan. Nagsalin din siya ng tubig sa basong pinag inuman ko at doon uminom, bakas parin ang kanyang tuwa para sa bata.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon