~1~

1.6K 13 12
                                    

(a/n: I dedicate this chapter to my sissy, @hellokittylover2426. Thank you sa pagbabasa ng mga strory ko :)) Lovelots! Be strong. :))

JARED’S POV

“Hey babe! Want to come over to my place tonight?”

“Sure.” I said while grinning.

She leaned over and whispered in my ears. "See you then." She's about to kiss me when...

“Jared!” sigaw ng isang babae.

Napatingin si, ewan ko, hindi ko pala alam yung pangalan nitong babaeng kasama ko. "Who's that babe?" tanong niya.

Napakunot noo ako dahil alam ko na kung sino yun. At ayun, lumapit na siya samin.

"Hoy ikaw na malanding babae ka, layuan mo nga si Jared ko!" sigaw niya nang makalapit siya samin.

"Your Jared? You own him?? Bakit, sino ka ba??" nakangiting tanong nung babaeng kasama ko.

"Oo, he's mine! Ako lang naman si Shine Acosta, fiancee ni Jared. NICE TO MEET YOU." Mapang-asar na sagot ni Shine at nilahad pa niya yung kamay niya.

Napabuntong hininga na lang ako. She's doing it again.

Napatingin sakin yung babaeng kasama ko. "Fiancee? What the heck!" and *pak*! Sinampal ako! "I like you but I still have my pride, I don't share!" sabi niya at umalis na.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko.

"Mabuti naman at my pride ka pa! Malandi!" sigaw ni Shine habang palayo na yung babae.

Galit akong tumayo. "What the hell! Again??" Ang lakas nung sampal sakin ah.

"Masakit ba?" tanong niya at hahawakan niya sana yung pisngi ko pero hinawi ko agad yung kamay niya.

"This is your fault!" sigaw ko. At umalis na ko.

SHINE'S POV

"Eh bakit mo ba naman kasi sinugod tehh?? Ayan nasisi ka pa!" pagpapangaral sakin ni Gemma.

"Eh kasi naman may kalandian na naman siya! Syempre nakakaloka naman, malapit na kaming ikasal, tapos ganun yung mga pinaggagawa niya??" Sagot ko.

"Eh diba nga tehh, against naman siya dun sa marriage? Kaya nga diba nagrerebelde siya?"

"Grabe naman! Hanggang ngayon ba naman di niya tanggap yun? Eh mula bata pa kami, alam na namin sa isa't isa na kami ang magiging mag-asawa eh. Ang tagal na kaming pinagkasundo. Ako nga tanggap ko eh!"

Natawa si Gemma. "Malamang, tanggap na tanggap mo yan ineng! Mulo ulo hanggang paa, isip at puso, pati na rin kaluluwa mo, eh tanggap na tanggap yang arrange marriage na yan!"

Binatukan ko nga! "Gaga! Wag ka naman masyadong maingay! Baka naman may makarinig sayo!"

"Hahaha. Oo na. Back to conversation, well hindi mo naman maiiwasan kau Jared na magrebelde, o hindi niya matanggap na magpapakasal kayo kasi naman tehh, 17 ka palang at 18 siya. Oh diba? Bagets pa tehh!"

Napabuntong hininga ako. Oo nga, tama si Gemma, sabagay. Bata pa naman talaga kami. Pero malapit na konh mag18, at yun na lang yung inaantay para makasal kami. Napabuntong hininga na lang ulit ako.

"Pero mahal ko siya." mahina kong sabi.

"Bakit, ikaw ba mahal niya?"

Tiningnan ko ng masama si Gemma. "Kanino ka ba talaga kampi? Kanina ko pa napapansin, lagi mo kong kinokontra eh!"

Natawa siya. "O sige, sige. Patulan natin yang panaginip at imahinasyon mo! Sige na, kukunsintihin ko yang imagination mo na mahal ka ni Jared."

Hinampas ko nga! "Ano ba naman yan tehh! Panira ka eh! Wag mo naman ipangalandakan sa sarili ko na nag-iimagine lang ako, parang di ka naman bestfriend eh."

Natawa siya. "Oo na sige na nga, kahit lagi mo kong sinasaktan physically, suportahan na lang kita. Oo na mahal ka na ni Jared."

Napangiti ako. "Yan ang gusto ko sayo eh!"

***

"Uy Jared!" tawag ko sa kanya habang naghahabulan kami. Ay este, habang hinahabol ko siya.

"Huminto siya at lumingon sakin. "Ano ba? Bakit ka ba sunod ng sunod ha? Ano bang kelangan mo?"

Inabot ko sa kanya yung box. "Para sayo oh, cookies yan. Binake ko yan with love love and heart heart." nakangiti kong sabi.

Tiningnan niya lang yung cookies. "So?"

"Anong so ka jan! Para sayo nga, oh." at inilapit ko pa sa kanya.

"Ayoko." masungit niyang sabi at tinalikuran ako.

Pero syempre di ako papayag na ganun ganun lang  Gora pa rin ako sa pagsunod sa kanya! Hahaha.

"Sige na tanggapin mo na to. Alam ko namang favorite mo to eh." pangungulit ko.

Huminto siya at tiningnan ulit yung cookies at ayun, kinuha na niya without saying anything at umalis na.

Pero at least diba kinuha niya! Yieee. At naiwan na naman akong nakangiti habang naglalakad siya palayo. Ang gwapo pa rin niya kahit masungit siya. ^_______^

Pero may lungkot pa rin akong nararamdaman. Hindi ko kasi alam kung ano na nangyari samin, kung paano kami humantong sa ganito??

We used to be close when we were kids. Simula ng ipanganak ako, nandyan na siya eh. He's already 9 months old when my mother gave birth to me. My parents and his parents were friends, well, bestfriends. My parents were highschool lovers, at ganub din yung parents niya at magkakaklase sila nung highschool, they were bestfriends. Kaya sobrang close ng pamilya namin sa kanila. Kaya nga siguro kami pinagkasundo, pero alam ko ang pinakamalaking dahilan, para magmerge ang company nila at company namin.

Nagbago lang naman ang lahat nung 12 years old kami eh, nung mamatay yung mommy ni Jared. Habang tumatagal, lumalayo yung loob samin ni Jared, pati sa daddy niya. Dinamdam niya yung pagkamatay ng mommy niya. Kaya kahit masungit sakin si Jared, hindi ako nagsasawang samahan siya.

The FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon