SHINE'S POV
Pagdilat ng mata ko, nagulat ako sa kaharap ko.
“Jareeeddd??” medyo malakas na tawag ko at babangon sana ko pero nakayakap siya sakin at hinihigaan ko yung braso niya. Bakit naging ganito agad yung pwesto namin?? Di ako makabangon.
Pero bakit ako babangon? Ienjoy ka na lang muna tong moment na to tutal tulog pa naman siya eh. At napakapeaceful ng mukha niya pag tulog, malayo sa supladong Jared pag gising. Para siyang mabait na anghel. Bakit may masama bang anghel?? Hahaha.
Once in a lifetime lang to na mapagmasdan ko siyang natutulog at nakayakap siya sakin. Ay mali, hindi pala once in a lifetime lang to kasi pag kinasal na kami, sigurado ganito kami lagi. Yiieeee. Pag iniisip ko pa lang kinikilig na ko. Hahaha. Landiiii!
Nagulat naman ako ng idilat niya yung mata niya. I’m not sure but I think I blushed. Sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa’t isa.
“What time is it?” tanong niya habang di niya pa ko binibitawan.
“Uhm.” napatingin ako sa orasan na nasa side table niya sa likuran niya at nanlaki yung mata ko sa gulat. “OMG it is already 4:15.”
Nagulat siya at binitawan niya na ko. “Shit!” sigaw niya ng mapatingin dun sa orasan para siguraduhin.
“Are we late?” natataranta kong tanong.
Kinuha niya yung phone niya. “Damn! Nasilent ko pala yung phone ko. 5 missed calls already.” galit na sabi niya.
“Tawagan mo si Shara. Aabot pa naman tayo diba? Ilang minuto ba byahe papunta dun? Mga 15 minutes? 30? Four----”
“Shut up.” malakas na sabi niya.
Napahinto ako. Natahimik. Napatingin na lang ako sa kanya na natatarantang tinatawagan si Shara.
“Shara, just wait. I’ll go there as fast as I can. Don’t go anywhere. Just wait.” sabi niya dun sa cellphone niya at agad agad ng lumabas.
Ewan ko ba ba’t parang ayaw humakbang ng mga paa ko. Ba’t parang nanghihina ako? Diba excited akong makita si Shara pero bakit ganito?? Bakit parang feeling ko nagseselos ako? No way! Hindi ko dapat pagselosan ang bestfriend ko. At magbestfriend din si Shara at Jared kaya ganun na lang kaimportante kay Jared na masundo niya si Shara diba??
Agad agad akong bumaba at nakasakay na si Jared sa kotse. Malapit na ko sa kotse nang biglang mabilis na umandar yun. Napabuntong hininga ako. He even forgot that he left me here. Napaupo na lang ako sa may bench habang pinagmamasdan ang papalayong kotse ni Jared. Parang wala na kong lakas para magalit o magtampo sa kanya. Ewan ko ba ba’t ako nanghihina.
Tumayo na ko at naglakad pauwi ng bahay. Ilang hakbang na lang naman bahay na eh.
Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Kakagising ko pa lang pero wala akong lakas.
Ba’t ganito nararamdaman ko? Bakit ang bigat sa pakiramdam? Napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko yung tinkerbell na stuff toy ko at niyakap.
Bakit parang kanina lang tumatalon talon yung puso ko sa tuwa nung pagkagising ko? Pero ngayon parang tinatapakan yung puso ko. Haaayyy..
Dahil nandito na si Shara nakalimutan na ko ni Jared.
Nakakapagselos?? Oo sobra. Hindi ko maintindihan pero parang mas close pa silang dalawa kahit na 4 years ng nasa America si Shara. Sabagay, hindi sila nawawalan ng communication ni Jared. Ang alam ko nga lagi silang nagkakausap, minsan video call.
Pero kami ni Shara, minsan lang. Minsan lang kami magkachat at magkausap.
Haaayyy. Ayoko ngang magmukmok dito sa kwarto ko. Bumaba ako at pumunta ng kusina. I’ll bake na lang. Eto naman lagi yung nakakapagpagoodvibes sakin eh. Ang pagbabake.

BINABASA MO ANG
The Fiancee
Dla nastolatkówPano ka ba makakasigurado sa future mo? Kapag nakaplano na ang lahat? Paano kung yung ineexpect mo ay hindi nangyari? Yung matagal ng nakaplano, hindi natupad? Paano kung nagbago na ang lahat?