~11~

348 10 0
                                    

(A/N: Sorry po kung natagalan magupdate. Dapat nung monday pa po ko mag-aupdate eh kaso nabusy agad sa school. Sareeehh! :))

JARED'S POV

Hindi naging maganda yung laban. Naunahan ako ng galit, ng asar, ng inis, kaya sumablay lahat. Kaya natalo yung team namin.

Lalo lang yumabang yung Marco na yun.

Aantayin ko pa sana si Shine sa parking area, kaso nakita kong nakatambay lang din yung team nila Marco sa parking, nakatingin sila sakin. Inaantay siguro nila na dumating si Shine at sumakay sa kotse ko para patunayan ni Marco na totoo yung sinasabi niya. Para rin siguro alamin at kilalanin si Shine.

Ang alam ko hindi namukhaan ni Marco si Shine kaninang umaga eh. Kaya hindi niya magagalaw si Shine.

Wala na kong choice kaya umuwi na lang ako. Tinext ko na lang si Shine na mauuna na ko sa pag-uwi.

Pagkauwi ko ng bahay, bumungad agad si Dad.

"Ano yung nabalitaan ko na nakipag-away ka daw kanina? Nambugbog ka pa?" galit na tanong niya.

Hindi na lang ako nagsalita, siguro yung coach nila Marco nagsumbong kasi kilala niya si Daddy eh.

"Ano ba yang pinaggagagawa mo sa buhay mo Jared ha?? Pinalaki ka ba namin para makipag-away lang? Para suwayin lang lahat ng gusto ko? Malapit na kasal mo, ikaw yung magmamana ng kumpanya, malaking obligasyon yun, imbes na makipag-away ka, mag-aral ka na lang mabuti at tigilan mo na yang pagrerebelde mo!" galit na sigaw niya.

"Kasal! Kasal na lang lagi niyong iniintindi!" medyi napalakas na boses ko.

Nagulat siya. "Anooo??"

"Dad kelan ko ba kayo sinuway?!" tanong ko. Natigilan lang siya. "Sinunod ko naman lahat ng gusto mo! Kinuha ko yung course na gusto niyo kahit iba naman gusto ko! Sinunod kita na wag dalawin si Kuya kahit gaano katagal ko na siyang gustong makita! Magpapakasal pa nga ko diba dahil sa kagustuhan niyo?? Kaya sabihin mo sakin Dad, kelan kita sinuway?? Ano pa ba gusto mong gawin ko ha??" galit ako, gusto kong magwala pero pinigilan ko na lang. Hindi naman siya nagsalita, kaya lumabas na lang ako ulit ng bahay.

Sakto paglabas ko ng bahay, lumabas din naman ng bahay nila Shine si Shara.

“Ok ka lang ba Jared? Ba’t namumula yang mukha mo?? At bakit may sugat ka??” bungad ni Shara.

“Wala to.” maglalakad na sana ko papunta sa kotse pero humarang siya.

“San ka pupunta??” tanong niya.

“Kahit saan.”

“Samahan na kita.”

“Wag na.”

“Sige na, samahan na kita ha?? May alam akong pwedeng puntahan.” pangungulit niya.

“Sige na nga.” pagpayag ko. Wala na kasi akong lakas para makipagtalo o tumanggi pa.

“Okay wait lang, antayin mo ko ha. Kukunin ko lang yung phone ko at magpapaalam ako kay Tita.” sabi niya.

Tumango na lng ako at pumasok na siya sa bahay nila Shine. Maya maya pa eh lumabas na siya.

“Akina.” at nilahad niya yung kamay niya.

“Yung alin??” tanong ko.

Ngumuso siya. “Ayan, yung susi. Ako na magdadrive at baka mapano pa tayo pag ikaw pa yung magdrive eh.” sabi niya.

Inabot ko na lang yung susi sa kanya at pumasok na kami sa kotse.

Pinaandar na niya yung kotse.

The FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon