~8~

281 9 0
                                    

SHINE'S POV

"Uy bakit ka tumatakbo at namumula jan?" tanong ni Gemma nang makalapit ako sa kanya.

Napatingin ako sa kanya at napabuntong hininga at......

Napangiti ^________^

I touch my lips. It was quick but it feels like a lifetime. (^__^) OMG!! Kinikilig ako eh.

"Hoy! Ba't pangiti ngiti jan? Nababaliw ka na ba?" tanong niya ulit.

"Eh kasi..."

"Kasi ano??"

"Kasi nagkiss kami ni Jared eh." mabilis na bulong ko sa kanya pero enough na yun para marinig ng tsismosa niyang tenga. Hahaha.

Nanlaki naman yung mata niya at napanganga siya.

"Well, accidentally." dugtong ko.

Napahinga naman siya ng malalim. "I thought intentionally." at natawa siya.

"Hindi noh" Accidentally talaga yun!" pagdedepensa ko.

Lalo pa siyang natawa. "Oh wag kang guilty jan."

"Ehhhhhh! Hindi nga kasi eh..'

"Oo na oo na." tumatawa pa rin siya.

Napansin naman namin na may nagtatakbuhan at yung iba nagmamadali pa.

"Anong meron? Ba't sila nagtatakbuhan papunta sa taas?" tanong ko.

Nagkibit balikat naman si Gemma. Hinarang niya yung isang tumatakbo. "Ate, ano pong meron at ba't po kayo nagtatakbuhan??" tanong niya.

"Nag-aaway kasi yung team nila Jared at yung team na kalaban nila mamaya sa basketball." sagot nung babae.

"Anooooo???" gulat na tanong ko.

Nagkatinginan naman kami ni Gemma at sabay kaming mabilis tumakbo sa taas.

Pagdating namin, sobrang daming tao sa loob ng gym, napapalibutan yung nasa gitna.

Sumingit naman kami. "Excuse me. ---Excuse me po. ---Oooops. Excuse po. ---Excuse." at nakarating kami dun sa gitna.

Nagulat ako nang makita ko si Jared na sinusuntok yung isang lalaki na kabilang ata sa kalaban na team at puro dugi na yung mukha na nakaupo na lang sa sahig. Inaawat naman siya nung nga kateam niya.

"Tol tama na yan. Ang dami ng tao. Baka dumating na sila coach." awat nung kateam ni Jared.

Di naman ako makapagsalita. Anong nangyari???? Bakit ganun si Jared?? Ngayon ko lang siya nakitang ganun kaviolent. As in I'm in shock. Di ko alam pero ako yung nasasaktan para dun sa lalaki, o nasasaktan  akong makita si Jaref na ganun. May sugat din siya sa labi niya at may tumutulo ding dugo. Pero yun lang yung sa kanya kumpara dun sa binubugbog niya.

Binitawan niya yung lalaki. Paglingon ni Jared, nagkatinginan kami. Maiyak iyak naman ako, gusto ko siyang lapitan pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nakatingin lang din siya sakin habang hinihingal. Bigla namang may pumito at nagsitabihan kaming lahat.

Dumating yung coach nila at yung coach nunh kabilang team.

"What is going on here???" sigaw nung coach nila Jared.

Nagsitahimik naman yung lahat.

"Both of the team, on Office of Student Affairs!" sigaw ni Coach at naglakad na. Sumunod naman sila Jared.

"Teh, anong nangyari dun?? Bakit ganun si Jared?? Katakooot." bulong ni Gemma.

Di ko lang siya pinansin, nakatingin pa rin kasi ako kay Jared na naglalakad palabas ng gym.

Ang dami namang bulung bulungan. "Dapat lang yun dun sa captain ng kabilang team, ang yabang kasi."
"Oo nga. Pero nakakaawa."
"Nakakatakot pala si Jared."

"Excuse me, kuya ano po bang nangyari dun ba't nag-away??" tanong ni Gemma sa isang lalaki. Tsismosa talaga tong babaeng to.

Nagkibit balikat naman yung lalaki.

"Te, tara na nga sundan natin sila." aya ni Gemma at kinaladkad ako palabad.

"Ano naman gagawin natin dun? Makikitsismis??"

"Syempre! Pero te di ka ba nag-aalala kay Jared??"

Nag-aalala nga ko kay Jared, sobra. Pero bakit niya ba kasi ginawa yun? Bakit?? Hindi naman gagawin ni Jared yun sa isang simpleng dahilan lang. Kahit magyabang pa yung kabilang team, napakababaw nun para ganunin ni Jared yung captain. Tsaka bakit yung Captain lang at si Jared yung nag-aaway?? Ano yun, captain vs. captain lang?? Yung mga members nung parehong team nakikiawat lang. Yung iba nga nakatingin lang at walang magawa. Personalang away ba yun??? Kasi yung kabilang tean nakalimang beses nang makalaban nila Jared yun since 1st year pa kami eh. Nakakatatlong panalo na sila Jared dun eh, ewan ko ba ba't nila laging nakakalaban yun.

Haaaayyy. Naaawa ako kay Jared. :( Pano kung masuspend siya dahil sa ginawa niya?? O kaya makick-out siya??? Parte pa rin ba yun ng pagrerebelde niya??? Hindi naman siguro diba???

The FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon