SHINE’S POV
Kung nagtataka kayo paano ako napunta dun sa court, hinatid ako ni Marco. Matapos niyang sabihin lahat ng nararamdaman niya, narealize kong hindi ko dapat sayangin yung panahon na meron kami ni Jared. May mga tao pala kasing nakakakita ng pagmamahal between Jared and Me. Naging bulag lang pala ako dati. Hindi ko naramdaman na mahal ako ni Jared. Ang alam ko lang, ako lang yung nagmamahal sa kanya. Yun pala, yung ibang tao pa yung nakakakita at nakakaramdam na mahal ako ni Jared.
At ngayon, ayoko ng masayang pa yun. Ayoko ng sayangin pa yung oras.
Today is the start of class for our Junior year in college.
Pero we decided to chase our dreams.
Nagshift kami pareho ni Jared. Ayaw na naming sundin yung gusto nung magulang namin. Panahon na rin siguro para sundin yung gusto namin.
Nagshift si Jared to AB Communication Arts major in Film.
Ako naman, I shift from Business Ad to HRM.
Jared loves taking pictures and also, he has passion in making films, ako naman, I’m into baking diba.
Okay lang kahit hindi kami classmate, at least ngayon, alam namin sa sarili namin na mahal namin ang isa’t isa.
Lumabas na ko ng kwarto ko,kwarto kung saan ako lumaki.
Tama ka, andito na ko sa bahay namin.
Kagabi kasi tinama ko na yung mga dapat kong itama. Nagsorry na ko kila Mima at Dada at inexplain ko na rin lahat. Inabot nga kami ng madaling araw eh. Hahahaha.
Buti na lang at 10:30am yung start ng class ko.
“Good morning Mima.” pagbati ko pagkadating ko sa kusina.
“Good morning anak.” sagot ni Mima. Inihahanda niya yung breakfast ko.
“Si Dada po?”
“Ayun maaga pumasok, nagkaproblema lang kasi sa kumpanya.”
“Ahhh.” umupo na ko. “Kumain ka na po Mi?”
“Oo tapos na. Ikaw kumain ka na jan at unang araw ng pasok mo.”
“Ehhh Mi wala po ako kasabay.” paglalambing ko.
“Anong wala???” singit ni Jared.
Napatingin ako sa kanya, andito na pala agad siya sa kusina.
“Good morning tita.” bati ni Jared kay Mima.
“Good morning din. O siya umupo kana Jared at sabayan mo na tong si Shine.”
“Yun po talaga pinunta ko dito eh.” nakatawang sabi ni Jared.
“Kaw talagang bata ka. O sige kumain na kayo jan.” umalis na si Mima sa kusina.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
Kumakain na agad si Jared, naunahan pa ko. “Edi sinasabayan ka. Tsaka diba sabay tayo papasok sa school??” nakangiti niyang sabi.
Natawa ko kasi para siyang bata. “Oo na sige na.”
“Bagay sayo.” sabi niya.
“Yung alin??” confused na tanong ko.
Ngumuso siya sa leeg ko. “Yung kwintas.” at napangiti siya.
Napahawak ako sa kwintas. Eto yung bigay niya. Sinuot ko na.
Napangiti ako. “Ang galing mo kasi pumili eh.” sabi ko.
“Maganda kasi yung may suot kaya bagay.”
Natawa ako. “Nambola ka pa.”
“Hindi ah. Totoo kaya.” sabi niya.
At napangiti na lang ako.
Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinikilig. Hahahahaha. Syempre nakakakilig kaya! This is what I dreamt of.
***
Habang naglalakad kami sa lobby, pinagtitinginan kami ng mga estudyante. We are holding hands while walking. Napatingin ako kay Jared, he’s just smiling.
Yung mga ibang estudyante, bumubulong bulong, yung iba nagtsitsismisn. Ngayon lang kasi nila nakita si Jared na may kaholding hands. Swerte ko. ^_______^
“Pinagtitinginan na tayo.” mahinang sabi ko.
“Hayaan mo silang mainggit.” sabi niya. “I’m the luckiest guy here.” ngumiti siya at huminto.
“Oh bakit??” tanong ko.
Bumitiw siya at hinubad yung polo na uniform niya. Nagulat ako.
He was wearing a white shirt written, “Proud Boyfriend”. Then hinawakan niya yung kamay ko. “Tara na sa room niyo.”
Gusto kong tumili pero pinipigilan ko lang. Grabe ang gwapo niya tingnan. Hahahahha. Kinikilig ako kasi kasama ko yung pinakagwapong lalaking nakita ko. At nakasuot siya ng T-shirt na nakalagay “Proud Boyfriend” tapos sa likod may nakasulat, “My Girlfriend” at nakaarrow sa left side, kung saan ako nakapwesto. Lalo lang kami pinagtitinginan ng mga tao.
Nakarating na kami sa room ko.
“Sabay tayo maglunch ha?? Hintayin mo ko dito.” sabi niya.
Napangiti ako. “Sige.”
Then he kissed me at my forehead. Nagulat ako. Di ako sanay. Hahahaha.
“I love you.” sabi niya.
Napangiti ako. “I love you too.”
At pumasok na ko sa room namin. Pagtingin ko, lahat pala ng estudyante sakin nakatingin. Ohhhhhh.
Napayuko na lang ako. Hindi ko nga pala sila kilala. Waaahhhh.
***
Mabilis lang naman natapos yung class namin. At pagkalabas ko ng room, andun na agad si Jared nagaantay. ^____^
"Kamusta naman class ko? Yung mga new classmates mo?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Nakakapanibago kasi wala kong kakilala sa kanila. At parang pinaguusapan nila ko." Sagot ko.
"Bakit ka naman nila paguusapan?"
"Syempre I'm with the most popular boy in this university." Nakangiti kong sagot.
"And I'm with the most beautiful girl in this university, kaya masama yung tingin sakin ng ibang lalaki." Sabay tango niya dun sa mga nakatambay sa hallway. Napatingin ako, nakatingin yung mga lalaki samin at masama tingin.
"Baka kasi hindi mo yan tinanggap sa team niyo kaya ganyan sila makatingin sayo." Natatawa kong sabi.
"Hindi ah." Natatawa niya ring sabi.
"Shayyyyyyyyyyynnnnnnnnn!" Sigaw ng isang babae mula sa likod namin.
Napalingon kami ni Jared at nakitang tumatakbo palapit si Gemma samin.
"Bestfriend!" Nakangiti kong sabi sa kanya pagkalapit niya.
Pinalo niya ko agad sa balikat. "Bestfriend ka jan! May bestfriend bang hindi na updated sa nangyayari sa bestfriend niya?? Yung nagulat na lang ako na hindi na pala kita kaklase. Tapos.." napatingin siya kay Jared tapos tingin sa kamay namin na magkahawak tapos tingin ulit sakin. "Tapos di man lang sinabi na BF mo na pala tong lokong to."
Natawa kami ni Jared. Para kasi siyang bata, di namin malaman kung nagagalit ba o naiiyak o natatawa.
"Kaw talaga.. sorry na.. di na ko mageexplain basta sorry naaaaaa." Sabi ko.
Natawa siya. "Apology accepted basta ililibre niyo ko!"
"Sigeeeeeee." Nakangiti kong sabi.
"Grave ka talaga." Nakangiting sabi ni Jared kay Gemma.
Inirapan siya ni Gemma. "I don't know you."
Natawa kami ulit.
BINABASA MO ANG
The Fiancee
Fiksi RemajaPano ka ba makakasigurado sa future mo? Kapag nakaplano na ang lahat? Paano kung yung ineexpect mo ay hindi nangyari? Yung matagal ng nakaplano, hindi natupad? Paano kung nagbago na ang lahat?