~9~

297 8 0
                                    

JARED'S POV

That kissed left a smile on my face.

I look at her running away. Nakakatawa siya. Pulang pula yung mukha niya.

I closed the window of my car at kinuha ko na yung susi ko. Bumaba na ko ng kotse.

Naglakad na ko papunta ng building, napansin kong nakatingin si Marcdo sakin na nauuna sakin, siya yung captain ng kalaban naming team na taga ibang university at pangisi ngisi pa at naglakad na siya sa may hallway.

Di ko na lang pinansin at naglakad na rin ako.

Pagkadating ko ng gym andun na sila Marco at yung mga kateam ko.

Naglakad ako papunta dun sa mga kateam ko kaso nang makalagpas pa lang ako ng dalawang hakbang kay Marco, nagsalita siya. "Masarap ba?"

Natigilan ako at napatingin sa kanya. 

He grinned at lumapit sakin. "Masarap ba? Baka pwede mo namang ipahiram sakin." natatawang sabi niya. Nasa likod niya lang naman yung mga kateam niya.

Naglapitan din yung mga kateam ko sa likod ko.

"Anong pinagsasasabi niyan tol?" tanong ni Dave na kateam ko.

Di lang ako nagsalita at tiningnan ko lang si Marco. Alam kong nang-iinis lang yan eh.

Natawa naman si Marco. "Ang alam ko lahat ng mga babaeng lumalapit sayo hindi man lang nakakahalik eh kaya sakin sila napupunta. Pero yung kanina bago yun ah. Di ko pa nakitang lumapit yung magandang babae na yun sakin ah. Baka pwede mo namang ipahiram." natatawa at mapang-asar niyang sabi.

Bigla na lang nag-init yung ulo ko at kwinelyuhan ko siya. "Gago ka ah!" sigaw ko.

Ngumisi lang naman siya. "Chilla lang. Ang init ng ulo mo ah. Nagagalit ka ba dahil binabastos ko yung fiancee mo??" natatawa niyang tanong.

Alam kong nagulat yung mga kateam ko. Hindi naman kasi nila alam na may fiancee ako, tanging mga babaeng lumalandi lang yung may alam kasi pinagsasabihan ni Shine.

Hindi lang ako sumagot.

"Ano?? Tama ba ako? O kinakahiya mo lang yung fiancee mo?? Bakit nakuha mo na ba siya? Laruan mo lang ba? Edi pahiram mo na lang muna sakin." natatawa niyang sabi.

Dun na nagpintig yung tenga ko at binitawan ko siya at sinuntok. 'T*ng in* mo! Wag na wag mo siyang babastusin!" sgaw ko.

Napaatras naman siya at napangisi lang. Siraulo! Bigla naman niya kong sinuntok. "Di ko naman na kelangang magpaalam sayo eh." mapang-asar na sabi niya.

Sinuntok ko ulit siya at sinuntok ulit hanggang mapaupo na lang siya sa sahig. "Gago ka! Galawin mo lang kahit hibla ng buhok niya mapapatay talaga kita!" at sinuntok ko siya ulit ng sinuntok ng sinuntok.

The FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon