JARED'S POV
"Yung plano kong pagbabakasyon, hindi ko alam na marami akong matutuklasan. While I'm in States, napansin kong laging may sumusunod sakin, napansin ko na rin yung mga sumusunod sakin na yun dito. And nung nakahanap sila ng chance sa states, they kidnapped me. I thought they were bad guys. But then they brought me in England. And guess what I found there." at ngumiti siya. "My Dad."
Nagulat ako. Ano yung tinutukoy ni Shine??
Nakita ko namang nagulat silang lahat.
"Jared, I know you're here." sabi ni Shine.
Kanina pa ba niya alam na nandito ako?? Naglakad ako palapit sa kanila. Gulong gulo ako.
"Kanina ka pa ba nakikinig dun??" tanong ni Dad.
Tumango ako.
Lumapit sakin si Shine and she looked at me. "Alam ko na kung bakit ayaw mong magpakasal."
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
She smiled. "Coz you can't stand the fact that you'll marry the sister of your brother."
Napatingin ako sa kanya, nagulat ako. Paano niya nalaman yun??
"Akala mo kapatid ako ni Kuya Jeff na kapatid mo?? Kaya ayaw mo kong pakasalan diba??" Tumango ako. Umiling naman siya. "Nung nagbakasyon ako, nalaman ko din na half brother mo lang si Kuya Jeff. Kaya siguro ang laki ng galit mo sa Daddy mo at sa Mommy mo. Anak ni Dada si Kuya Jeff diba??" tanong ni Shine. Napatango nalang ako.
Paano niya nalaman yun?? Inilihim yun sa kanya ah.
Gulat na gulat naman si Tito Henry. "Paano mo nalaman yan ha??!" sigaw ni Tito kay Shine. Si Dad naman tahimik lang.
"I met Kuya Jeff. And also, Tita Jane." sagot ni Shine.
Nagulat kaming lahat. Napatingin ako kay Shine. "How can you meet my mom?? She's already dead." tanong ko.
"Yun ang akala natin. Nagulat din ako ng makita ko sila. Yun pala, pinalabas lang nilang patay si Tita Jane para maitago yung kahihiyan na meron yung dalawa nating pamilya."
Naguguluhan ako.
"Nagtanim ka ng galit sa mommy mo kasi nalaman mong nagloko siya, nalaman mong nagkaroon sila ng relasyon ni Dada. Nalaman mo yun diba when we were 12 years old?? Bago palabasing patay si Tita Jane??" tanong niya. Napatango na lang ako ulit. "Galit na galit si Tito Ed kay Dada at kay Tita Jane kasi niloko nila si Tito Ed. Akala kasi ni Tito Ed anak niya si Kuya Jeff, yun pala hindi. Kaya napagkasunduan ni Tito Ed at ni Tita Jane na magpakalayo layo na lang si Tita Jane, at papalabasing namatay siya sa car accident. Pero yun pala, nasa States lang siya, kung saan pinadala si Kuya Jeff pagkatapos nung kunwaring libing ni Tita Jane."
Gulong gulo ako. Naguguluhan talaga ako.
"Gustong ipakulong ni Tito Ed si Dada, but napagkasunduan nilang ipakasal na lang tayo. Kasi, alam ni Dada na hindi niya ako anak. When I was 8 years old, yun yung nag-away ng matindi si Dada at Mima dahil nalaman ni Dada na hindi niya pala ako anak. But then, he kept me. Naging mabuti siyang ama sakin." tapos napatingin si Shine kay Tito Henry at tumingin ulit sakin. "Alam mo ba kung bakit??" tanong niya sakin. Napailing ako.
"Kasi nalaman ni Dada kung sino talaga yung ama ko, kung ano talaga ko. Kaya yun yung pinangako ni Dada kay Tito Ed, sinabi niya lahat kay Tito Ed. Syempre papayag si Tito Ed, they are both businessmen." tapos tumingin si Shine kay Dad na nakayuko lang.
"Akala ko dati na kaya nila tayo gusto ipakasal kasi gusto nilang magmerge yung company nila, yun pala higit pa dun. Alam ni Dada na pag nag 18 na ko, mapupunta na sakin lahat ng dapat mapunta sakin galing sa totoo kong ama at may chance na kunin na ko ng totoo kong ama. At pag nangyari yun, mawawalan ng karapatan si Dada sakin. Kaya gusto nila tayong ipakasal, para pag kasal na tayo, ang magkakaroon ng karapatan sakin ay ikaw." sabi sakin ni Shine.
"Kung ano ang meron ako, magkakaroon ka rin. At alam ni Tito Ed na sobrang laki ng halaga ang mapupunta sayo pag pinakasalan mo ko. Kaya ganun na lang nila ipinipilit yung kasal natin." sabi ulit ni Shine.
"Bakit?? Bakit ako magkakaroon ng malaking halaga pag pinakasalan kita??" gulung gulo kong tanong.
"Dahil anak ako ng isa sa pinakamayamang tao hindi lang dito sa Pilipinas, kundi pati sa ibang bansa." sagot ni Shine.
"Whaaatt?? Eh mayaman naman na kayo ah." tanong ko.
She smiled. "Siguro. Pero higit pa dun."
"Stop it Shine. Hindi totoo yan." malakas na sabi ni Tita Sophia. Nagulat kaming lahat. Ngayon lang siya sumigaw ng ganun ah.
Shine smiled but not the smiled that I am used to. Now, her smile is different. Smile that is full of hatred, of bitterness. "We all knew that it is true." then naglakad na siya. Nang malapit na siya sa pintuan, huminto siya at humarap saming lahat. "I had loved you, but now I realized how I hate you." at tuluyan na siyang umalis.
Hindi ko alam kung para kanino yung huli niyang sinabi. Kung para ba sakin, o para sa magulang niya o para saming lahat na tinuring niyang pamilya?
Ba't parang sa loob ng tatlong buwan nawala yung Shine na kilala ko simula ng pinanganak siya?? Bakit ang bilis nagbago ng lahat?? And what I hate the most is, it started because of me!!! Dahil sinaktan ko siya.
BINABASA MO ANG
The Fiancee
Novela JuvenilPano ka ba makakasigurado sa future mo? Kapag nakaplano na ang lahat? Paano kung yung ineexpect mo ay hindi nangyari? Yung matagal ng nakaplano, hindi natupad? Paano kung nagbago na ang lahat?