SHINE'S POV
Maaga akong nagising kasi maaga din pasok ko.
Katabi ko si Shara matulog at tulog pa rin siya.
Naligo na ko at pagkatapos nag-almusal na.
After eating breakfast, napasilip ako sa bintana kung nasa labas na yung kotse ni Jared.
At tama nga ko, nasa labas nga kaya masaya at dali dali akong lumabas at pumasok na sa kotse niya.
"Good morning." masayang bati ko.
Di lang ako kinibo ni Jared at inistart na yung kotse niya.
"Nga pala I prepared lunch for you." at nilabas ko yung lunch box.
"Ikaw nagluto?" tanong niya.
"Of course! I cooked it with love love and heart heart." nakangiting sabi ko.
Napangiti siya. "Isip bata ka talaga!"
"Hindi ah!" nakasimangot kong sabi.
"Isip bata!" pang-aasar niya.
"Sabi nang-----" di ko na natuloy yung sinasabi ko kasi biglang may nagflash sa harap ng mukha ko.
At tama ako, camera na naman. -_-
"You stole a picture of me again!" then I folded my arms at humarap na lang sa dinadaanan habang nakasimangot.
Pero nagflash na naman yung camera. Tinaasan ko siya ng kilay.
Natatawa tawa naman siya.
Ganyan siya lagi pag nasa mood mang-asar. Lagi niya kong pinipicturan. -_-
Mga stolen pa naman karamihan. Pero yung iba natsetsempuhan ko, nakakapagpose ako. Hahahaha.
Binuksan ko yung binatana. Ang sarap ng hangin.
"Sabi ko sayo wag mong bubuksan yung bintana eh." sabi niya.
Tumingin ako sa kanya. "Just this one pleaassseee???" at nagpacute pa ko para tumalab.
Natawa naman siya. "Oo na. Wag ka ng magpacute jan."
I smiled. "You're in a good mood huh?" tanong ko.
"Why? Ayaw mo ba?" tanong niya.
"Syempre mas gusto kong nasa mood ka kesa magsuplado." at ngumiti ako at lumapit ako sa mukha niya para pisilin.
"Araaaayyy! Bitawan mo nga mukha ko!" utos niya.
Natatawa naman akong binitawan. "Ang cute mo pag ganun." sabi ko.
"Eh kung ikaw kaya ganunin ko?"
Natawa ako. "Subukan mo. Hahaha."
Napatingin siya sakin. "Pasalamat ka nagdadrive ako."
"Thank you." sarcastic kong sagot.
Halatang naaasar na siya. Hahaha.
Nasa parking lot na kami ng university. Nag unbelt na ko at inabot ko sa kanya yung lunch box.
"Sige una na ko." lagi akong nauuna bumaba sa kanya kasi ayaw niyang nagsasabay kami papunta sa building kasi ang daming tsismosa. Sikat kasi siya, star player kasi siya sa basketball kaya ang daming girks nagkakagusto sa kanya.
Binuksan ko na yung pinto. Bababa na sana ko pero napahinto ako at sinara ko ulit yung pinto. "May nakalimutan pala ko." sabi ko.
"Anooo??" nakakunot noo niyang tanong.
Napangiti ako. "Eto." mabilis kong sabi at ikikiss ko sana siya sa cheeks kaso humarap siya sakin bigla kaya sa lips ko siya nakiss.
Pareho kaming nagulat.
Nilayo ko agad yung mukha ko at napatingin ako sa harap ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. I think namumula ako. Argggghh! Nakakahiya! Yan kasi kapilyahan ko kasi! Waaaahhh! Di ako makatingin sa kanya, nakikita ko naman sa gilid ng mata ko na ganun pa rin yung pwesto niya, parang nashock pa rin siya. Hindi din siya nagsasalita.
Dali dali na kong bumaba at hindi ko na siya tiningnan at dirediretso na ko sa building.
******************************************
JARED'S POV
I am still in shock. Hindi ko rin ineexpect yun. Kala ko kasi nung pagkasabi niya ng "eto" eh may ibibigay siya sakin kaya humarap ako sa kanya kaso sakto. Ayun.
My heart beats so fast.
But anyhow, that kiss left a smile on my face.
(A/N: Yiiieeee. Oh ayan po ah nag-update na ko ng marami. ^_^ Kaya, vote naman po jan. Baka pag nabusy na ko kasi pasukan na, baka di na ko makapag-update agad kaya votes naman jan. :) )
BINABASA MO ANG
The Fiancee
Novela JuvenilPano ka ba makakasigurado sa future mo? Kapag nakaplano na ang lahat? Paano kung yung ineexpect mo ay hindi nangyari? Yung matagal ng nakaplano, hindi natupad? Paano kung nagbago na ang lahat?