SHINE'S POV
Wala na kong nagawa at sinunod ko na lang yung sinabi ni Jared na bumalik na lang sa klase ko. Pareho kami ng course ni Jared, Business Administration at pareho kaming 2nd year. Pero may mga ibang subject na hindi ko siya kaklase dahil varsity player nga sya.
Tulala lang ako sa buong subject namin. Ngayong araw kasi na to di ko kaklase si Jared. Dapat kaklase ko siya sa dalawang huling subject namin kaso may laban nga sila mamaya kaya excuse siya.
Gusto ko ng matapos yung klase para makauwi na. Gusto ko ng makita ulit si Jared.
"Uy Shine, ano na? Ano kakainin mo??" tanong sakin ni Gemma habang nandito kami sa McDo, lunchtime na kasi.
"Wala akong gana kumain." sagot ko.
"Anooo??? Ikaw wala kang gana kumain kahit nandito tayo sa McDo na paborito mong kainan na di ka nagsasawa na kahit kelan di mo matatanggihan na kahit araw-araw kang kumain dito. And you're telling me now na wala kang gana kumain??? OMG!! Are you sick??" tapos nilagay niya yung palad niya sa forehead ko.
Natawa naman ako sa kanya at hinawi ko yung kamay niya. "Wag ka ngang OA jan."
"Eh kasi naman nakakaloka ka eh. Ngayon ka lang nawalan ng gana kumain dito sa McDo eh. Iniisip mo pa rin ba yung nangyari kanina??"
Tumango lang ako.
"Wag mo ng isipin yun. Narinig ko hindi naman nasuspend or nakick out si Jared eh. Warning lang."
"Talaga??? Ba't ngayon mo lang sinabi??" napalakas na tanong ko.
"Oh hinaan mo naman yung boses mo maraming tao." natatawang sabi ni Gemma. "Tulala ka kasi kanina pa eh, salita ako ng salita, di mo ata ako naririnig."
"Ay ganun ba??"
"Oo! Kaya umorder ka na. Ano ba kakainin mo?"
"Uhm. Fillet-O-fish na lang akin tsaka sundae." nakangiting sabi ko.
"Tssss. Sinasabi ko na nga ba kakain ka pa rin eh. Ayaw mo bang magrice??"
Umiling ako. "Yoko nakakataba."
Natawa naman siya. "Okay sabi mo yan eh."
***
Natapos na yung klase namin.
"Siguro dahil sa nangyari yun kanina kaya natalo sila." sabi nung babae na dumaan dun sa kausap niya.
"Ang dumi ng laro nila. Halatang personalan." sabi naman nung isa pag dumaan.
At halos lahat parang nalugi yung mga mukha.

BINABASA MO ANG
The Fiancee
Teen FictionPano ka ba makakasigurado sa future mo? Kapag nakaplano na ang lahat? Paano kung yung ineexpect mo ay hindi nangyari? Yung matagal ng nakaplano, hindi natupad? Paano kung nagbago na ang lahat?