JARED’S POV
Nagising ako ng maaga. Naligo na ko at bumaba na.
Saktong pagbaba ko, nasa baba na rin si Shara. Dito siya sa bahay natulog, dito ko siya pinadala kay Manang.
“Jared...” tawag niya.
Huminto ako sa harapan niya.
“Jared I’m sorry. I’m so sorry for what happened last night. I was just---”
“I don’t want to talk about it.” pagpuputol ko sa sinasabi niya.
Napatingin lang siya sakin kaya lumabas na ko ng bahay. Wala akong gana mag-almusal.
I ride to my car at nakalabas na ko ng gate at huminto ako sa bahay nila Shine.
“Oh, what am I doing here?” napabuntong hininga na lang ako at napailing.
Nakasanayan na. I think this is the first time na hindi kami magkasabay ni Shine pumasok. Imposible namang sumabay pa siya pagkatapos ng nangyari kagabi.
Kaya nagdrive na ko at pumunta sa school.
Classmate ko ngayon si Shine sa first subject hanggang 3rd subject.
Pagkapasok ko ng room, she’s not there.
20 minutes have passed at wala pa rin siya. Nakatingin lang ako sa pintuan, inaabangan kong pumasok siya kaso wala. Pumasok na yung prof namin at nag-umpisa na sa klase.
---
Maglalunch time na wala pa rin si Shine.
---
Natapos na yung panghuling subject na kaklase ko siya pero wala pa rin, hindi siya pumasok.
Lumabas na ko ng room. Wala na kong next subject pero si Shine may next subject pa siya, Statistics. Hindi ko kinuha yung subject na yun kasi schedule ng practice namin yun eh.
Naglakad na ko.
But I found myself standing in front of the room kung saan klase nila Shine.
Sumilip ako, but she’s not there.
Hindi talaga siya pumasok. Tsk.
Iniiwasan niya ko sigurado.
Haayy. Bakit ganito pakiramdam ko.
Namimiss ko siya.
Hindi ako sanay na kahit isang araw hindi ko siya makita.
Parang ang tahimik at ang lungkot ng isang araw ng buhay ko pag wala siya.
Ano ba kasi yung ginawa ko? Why did I hurt her?? Why am I asking when I know the answer? It just I’m afraid to be with her. I can’t accept that I love her though I know the fact that I really do love her.
It’s just the matter that I can’t. I want to be with her, but it’s hard when I carried this burden I have in my heart. Hindi ko lang maalis yung galit sa puso ko.
***
Natapos na yung practice namin at umuwi na ko ng bahay. Pagdaan ko sa bahay nila Shine napatingin ako, hoping that I can see her. Pero wala, wala akong Shine na nakita.
Pagpasok ko ng bahay, ang tahimik. Usually andito na yan si Shine sa bahay, mangungulit.
“Ay Sir si Ms. Shara po umalis na, dun na daw siya tutuloy sa bahay nila.” sabi ni Manang.
Tumango lang ako at umakyat na ng kwarto.
Napatingin ako sa bintana. Kaharap lang kasi ng kwarto ko yung kwarto ni Shine.
Kaso sarado yung bintana, nakababa yung kurtina.
Napabuntong hininga na lang ko. Sana bukas makita ko na siya.
Kinuha ko yung gitara ko at nag-umpisa na lang tumutugtog para libangin yung sarili ko.
***
Pumasok na ko ng school. May klase ngayon sila Shine pero hindi ko siya kaklase dun. Pero still, pumunta pa rin ako sa room na yun para silipin kung pumasok siya. Kaso nag-uumpisa na yung klase, wala pa rin akong Shine na nakita.
Bakit hindi siya pumasok?? Hindi naman niya ko kaklase sa subject na yun ah.
I’m worried. Baka kung napaano na yun nung isang gabi. Kaso kung may nangyaring masama sa kaniya nung gabi na yun, sigurado pupuntahan naman ako nila tita Sophia.
Haaayy. Shine shine shine. I can’t get you out of my head, especially can’t get you out of my heart.
“Uy Shine!” sigaw nung babae sa harapan ko.
Bumilis yung tibok ng puso ko. Napalingon ako sa likod ko kung saan nakatingin at palapit yung babaeng sumigaw. But, wala akong Shine na nakita.
Lumapit yung babae na sumigaw dun sa isang estudyante.
Arrgggh! What am I doing?? What am I expecting??
Ibang Shine pala yung tinutukoy nung babae na yun!
See, my heart beats so fast just hearing her name.
Buong araw, wala akong Shine na nakita.
I think I should ask Tita Sophia. Hindi naman siguro siya galit sakin kasi alam ko namang hindi magkekwento si Shine about dun sa nangyari. She just stay quiet.
Pumunta ako sa bahay nila Shine.
Pagkalapit ko sa pinto, kumatok ako. Yung maid nila yung nagbukas.
“Oh Sir Jared tuloy po kayo.” sabi nung maid.
“Andito ba si Tita Sophia??” tanong ko.
“Ay opo. Tawagin ko lang po siya.” at naglakad na yung maid paakyat.
Maya maya pa bumaba na yung maid kasunod si Tita Sophia.
“Oh Jared, anong ginagawa mo dito??” nakangiting tanong ni Tita pagkakita niya sakin.
“Uhm tita, kakamustahin ko lang po sana si Shine kung okay lang ba siya kasi po 2 araw na po siyang hindi pumapasok eh.” sabi ko.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Tita at natawa siya. “Nagbakasyon si Shine. Hindi niya ba sinabi sayo??”
Nagulat ako. “Bakasyon po? Pero hindi pa po tapos yung semester ah. It’s just February and hindi pa po kami nagfifinals.” sabi ko.
“I know iho. Pero ewan ko ba dun sa batang yun ba’t naisipang magbakasyon. Pinilit niya kami ng Dada niya nung isang gabi eh. Nangongonsensiya pa nga. Sabi niya minsan lang naman daw siya humingi ng favor samin eh. Kaya pinayagan na namin.”
“Ha?? Saan naman po?? At pano yung final exam po??”
“Shine took her advance final exam yesterday. Hindi namin alam kung saan siya nagbakasyon. She just told us not to worry, ayaw niyang ipaalam kung saan eh.”
Naguguluhan ako. Hindi ba iniisip nila Tita na baka naglayas na yun si Shine?? O kaya baka mapano yun? Tsk.
“Eh kelan naman daw po siya babalik?” tanong ko.
“She just said she’ll have a vacation for 3 months bago man lang daw siya ikasal kaya magpapakasawa daw siya at gagawin niya lahat ng gusto niya.” then Tita laughed. “It’s the first time that she’ll do something for herself kaya pinagbigyan na namin.”
“But 3 months na lang po bago ang kasal diba?? Pano po kung hindi siya dumating??”
Natawa naman si Tita. “Why would Shine do that? She’ll come to the wedding of course.”
Hindi ko alam pero hindi ako naniniwala kay Tita na hindi magagawa ni Shine yun. After all I’ve said, I don’t think she’ll come. Pero gusto ng puso’t isipan ko na dumating siya.
I want her to marry me...
(A/N: Antayin niyo lang po yung next update :)) Penge naman po ng stars jan. ^__^ )

BINABASA MO ANG
The Fiancee
Teen FictionPano ka ba makakasigurado sa future mo? Kapag nakaplano na ang lahat? Paano kung yung ineexpect mo ay hindi nangyari? Yung matagal ng nakaplano, hindi natupad? Paano kung nagbago na ang lahat?