~3~

463 12 2
                                    

SHINE'S POV


“Mima!” masayang bati ko at niyakap ko si Mommy. Well, yan po talaga tawag ko sa kanya, Mima, kabaliktaran ng Mommy. Hahaha.

“Oh mukhang masaya ata ang anak ko ah?” nakangiting tanong ni Mima habang hinahain yung almusal.

I smiled. “Mi, diba po ngayon tayo bibili nung wedding gown?” nakangiti kong tanong.

Napahinto si Mima sa paghahanda ng almusal at napatingin sakin. “Oo. Kaya ba masaya ka?”

“Syempre naman po. Kasama po ba natin si Jared bumili? Bibili na rin po siya ng isusuot niya diba?” masaya kong tanong.

“Di ko lang alam kung sasama siya.” at pinagpatuloy na ni Mima yung paghahain ng pagkain.


“Ako na po magsasabi sa kanya, aayain ko po.” tatakbo na sana ako palabas.

“Shine, kumain ka muna ng almusal.” tawag ni Mima.

“Maya po, pupuntahan ko lang po si Jared.” at lumabas na ko sa bahay at masaya akong tumatakbo na tumatalon talon pa papunta sa bahay nila Jared. Magkatabi lang bahay namin kaya no hassle. Hahaha.

At ayun nakita ko siya sa garden, dun pa rin sa paborito niyang upuan habang nagbabasa at may cup sa tabi niya. Para siyang matanda na kung kumilos. Hahaha.

Nakita ko naman na napatingin siya. “Good morning Jared.” Bati ko nang makalapit na ko sa kanya.

“Ano na naman ikinasaya mo ngayon at may patakbo takbo at patalon talon ka pa?” tanong niya without looking at me, nakatingin lang siya dun sa binabasa niyang libro.

“Umm. Sumama ka mamaya ah sa pagbili ng susuotin natin.” masaya kong sagot.

“Ayoko.” sagot niya habang nakatingin pa rin dun sa binabasa niya, sa kabilang kamay kinuha niya yung cup at uminom. Umupo ako agad sa tabi niya pagkakuha niya nung cup.

“At bakit naman hindi?? Sige na sumama ka na..”

“Ayoko nga eh.” iritado niyang sagot.

“Sige ka bahala ka, ako pipili ng isusuot mo at sisiguraduhin kong magiging nakakatawa itsura mo sa araw na yun.” pagbabanta ko.

Iritado niyang sinara yung libro at tumingin sakin. Nginitian ko naman siya.

“Fine. I’ll go. Alam ko namang hindi mo ko tatantanan eh.” naiirita niyang sabi.

I smiled. “Buti at alam mo. O sige.” then mabilis ko siyang kiniss sa cheeks niya. “Have a good day.” and I smiled at umalis na.

JARED'S POV

“Buti at alam mo. O sige.” at mabilis niya kong hinalikan sa pisngi. “Have a good day.” at umalis na siya.

Naiwan ako sa pwesto ko na gulat pa rin. Hindi dahil sa paghalik niya, matagal niya ng ginagawa yun, simula mga bata pa kami, I think it becomes a habit for her, kundi nagulat ako dahil hanggang ngayon nararamdamam ko pa rin yung ganitong pakiramdam.

It made me surprised na hanggang ngayon nagugulat pa rin ako, na hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng kakaiba, na sa tuwing ginagawa niya yun, tumitibok pa rin ng mabilis yung puso ko na to the point na parang nanghihina ako, na wala akong magawa kundi maiwang nakatulala.

Bumalik na lang ako sa senses ko nang magring yung phone ko.

“Hello?” sagot ko.

“Jared, tomorrow at 4pm on the airport ha? Wait for me.” masayang sabi nung babae sa kabilang linya.

The FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon