*After 3 months*
JARED'S POV
Bukas na ang kasal. At wala pa ring Shine na nagpapakita.
Nagkakagulo na dito sa bahay. Andito sila Tita Sophia ngayon and they kept on calling Shine since yesterday. Kaso hindi nila macontact.
"She said she will be here today. Bakit wala pa siya??" nag-aalalang tanong ni Tita Sophia habang dial ng dial sa phone.
"Jared, iho, hindi ka ba kinontak ni Shine?" tanong ni Tito Rey.
"Hindi po Tito eh." sagot ko.
"Paano na ang kasal bukas kung wala si Shine?" tanong ni Daddy.
"Matutuloy yun Ed, alam kong darating si Shine." sagot ni Tito.
Umupo si Tita Sophia na kanina pa palakad lakad habang tinatry tawagan si Shine. "Asan na ba yung batang yun? Baka kung napano na yun?" nag-aalalang sabi niya.
Kahit ako nag-aalala. Kahit ako umaasa na dadating siya.
Asan ka na ba Shine?
Lumabas ako ng bahay. Lahat ng tao busy. Busy sila sa paghahanda para sa kasal na wala namang kasiguraduhang matutuloy.
Bukas na rin pala yung debut ni Shine, kaya sinabay yung kasal.
Hindi ko na namalayan na nakaparada na yung kotse ko sa lugar na to. Her Tinkerbell place.
Naglakad ako. Walang masyadong tao.
Dapat kaninang maga pa yung dating ni Shine, kaso ngayon hapon na. Wala pa rin siya.
Sana walang masamang nangyari sa kanya.
Hindi niya ko kinontak simula ng umalis siya. Kela Tita Sophia na lang ako nakikibalita kung ok lang ba si Shine.
Sa loob ng tatlong buwang wala siya, marami akong narealize.
Sobrang lungkot pala ng buhay pag wala siya. Walang Shine na nagpapasaya, nagpapangiti.
Dapat matagal ko ng sinabi sa kanya yung tunay kong nararamdaman. Sadyang pinangungunahan lang ako ng takot, ng galit.
Palapit na ko sa fountain kung saan lagi kaming umuupo ni Shine nang may makita akong babaeng nakaupo dun.
May maleta siyang dala. Sakto pagtayo niya nagtama yung tingin namin.
Ngayon na lang ulit bumilis yung tibok ng puso ko.
Si Shine nga.
Naglakad na siya, palapit sakin.
Huminto siya nung nasa harap ko na siya.
Ngayon ko na lang ulit nakita ng malapitan yung mukha niya.
"Nakabalik ka na pala." sabi ko.
She smiled. Yung ngiting matagal ko ng inaantay na makita ulit. At tumango siya. "Kamusta ka na?" tanong niya. Casual na tanong.
"O-okay lang naman. I-ikaw k-k-kamusta ka na?"
"Eto maayos naman." she smiled at tumalikod siya sakin at naglakad ulit palapit dun sa fountain at umupo.
Sumunod naman ako at umupo ako sa tabi niya pero hindi masyadong malapit.
I feel awkward. Pero siya parang hindi. Parang magkaibigan lang kami na matagal ng di nagkita.
"So kamusta naman yung bakasyon mo?" pinipilit kong magsound normal.
She looked at me. "Masaya. Marami akong natuklasan. Marami akong narealize." sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Fiancee
Teen FictionPano ka ba makakasigurado sa future mo? Kapag nakaplano na ang lahat? Paano kung yung ineexpect mo ay hindi nangyari? Yung matagal ng nakaplano, hindi natupad? Paano kung nagbago na ang lahat?