~6~

311 10 3
                                    

SHINE'S POV

Natapos na kaming magkainan at umuwi na rin si Jared. Ngayon andito kami ni Shara sa kwarto ko.

“Grabe hindi ka pa rin talaga nagbabago, Tinkerbell pa rin.” natatawang sabi niya habang pinagmamasdan yung kwarto ko.

Lahat kasi Tinkerbell eh. Hahaha. Yung higaan ko, unan, kumot, slippers sa kwarto, yung mini sofa ko dito sa kwarto, yung cabinet ko, yung wallpaper ng kwarto ko, lahat. Hahaha.

Natawa ko. “Pero ikaw ang laki na ng pinagbago mo ah.” sabi ko.

Natawa siya at lumapit sakin, umupo din siya sa kama ko.

“Bakit nga pala bigla bigla kang umuwi?” tanong ko.

She smiled. “To heal my broken heart.”

I laughed. “Seriously?”

Nawala yung ngiti niya at tumango siya.

“Huh? Broken hearted ka?” tanong ko.

“Oo.”

“Bakit? Paano? Kanino?” sunod sunod kong tanong.

“My boyfriend cheated on me.” she said while trying to smile.

“Ilang buwan na kayo nung boyfriend mo? Paano ka niya niloko? Yun ba yung kinekwento mo sakin dati na inlove na inlove ka sa bf mo?”

Tumango siya. “2 years na kami nun. I saw him with another girl on his room, on his bed, both of them were naked.” then may tumulo na luha sa mata niya.

“Whaaaattttt???” gulat na tanong ko.

Tumango siya. “Nasaksihan ko. Ang sakit.” then napaiyak na siya.

Niyakap ko siya. “Tahan na. Walang kwenta yung lalaking yun.”

Bumitiw siya sa pagkakayakap. “Ang sakit Shine, sobra. Lalo na’t binigay ko sa kanya lahat, lahat lahat.” naiiyak na sabi niya.

Nagulat ako pero napabuntong hininga na lang ako. “Anong sabi niya nung mahuli mo sila? Anong reaction nila?”

“Wala. Wala man lang siyang ginawa. Parang wala lang sa kanila. He even smiled when he saw me na gulat na gulat. Ni hindi huminto, hindi man lang sila nagtakip. Umalis na lang din ako bigla.”

Bigla na lang ako naawa kay Shara. Iyak pa rin siya ng iyak. Makikita at mararamdaman mo talagang nasasaktan siya.

“Tahan na Sha. Maybe dito makakalimutan mo na yung walang kwentang lalaking yun. You’ll enjoy staying here.” nakangiting sabi ko.

Pinunasan niya yung luha niya at ngumiti. “Thanks Shine. Ieenoy ko talaga yung vacation ko dito. Ayokong magmukmok. I’ll move on.” nakangiti niyang sabi.

Nakakatuwa siya. Ang tapang niya. Kaya niya pa rin ngumiti kahit ganun yung nangyari. Pero kung titingnan mo naman kasi siya, parang di siya broken hearted kasi panay ngiti niya kanina at di ko siya nakitaan ng pagiging malungkot.

“Eh kayo ni Jared kamusta na??” tanong niya.

“Ganun pa rin. Wala namang nagbabago samin eh. Suplado pa rin siya sakin.” sagot ko.

“Loko talaga yun. Nagpapakipot pa rin ba siya sayo?” natatawang tanong ni Shara.

Natawa ko. “Against pa rin talaga siya sa kasal namin.”

“Huh? Paanong against?”

“Ayun nagpapakarebelde pa rin. Lagi ko nga yan siya nahuhuling may kalandiang babae eh. Yung tipong hahalikan na siya, pero dadating ako bigla kaya hindi natutuloy. Laging muntikan eh.”

“Buti nga nahuhuli mo agad eh. Kesa naman sakin.” sabi niya.

“Pero minsan nasasaktan din ako eh. Kahit alam ko namang sinasadya lang talaga ni Jared yun para hindi matuloy yun kasal, o kaya para umurong ako sa kasal.”

“Eh bakit hindi ka umuurong??”

Natawa ko. “Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sumuway kela Mima. Tsaka mahal ko siya eh.” nakangiting sagot ko.

Napangiti si Shara. “Hindi ka talaga nagbago, masunurin ka pa rin kela Tita at inlove ka pa rin kay Jared. Buti hindi ka nagsasawa?”

Umiling ako habang nakangiti. “Never.”

(A/N: Sino nga ba talaga si Shara? Ano na nga ba ang magiging papel niya sa buhay ni Jared at Shine ngayong umuwi na siya?? Bakit parang importante si Shara para kay Jared? Bakit nakalimutan na ni Jared si Shine nang dumating si Shara?? Oooopppss. Syempre abangan niyo. :) Pero bago yan, vote and comment muna kayo about what you're thinking? :))

The FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon