SHINE'S POV
Tatlong buwan na ang nakalipas simula magsimula ang klase.
Normal naman ang lahat samin ni Jared..
Pero medyo hindi ako komportable ipaalam sa ibang tao sa school yung relasyon namin ni Jared. Alam naman ni Jared yun. At ayaw niya rin namang ipabalita sa lahat (kahit na maraming nakakakita saming magkasama at magkaholding hands at sweet ^_^). Lalo na ngayong sobrang sikat ni Jared dahil MVP siya sa Team nila at lagi silang nananalo laban sa mga ibang sikat na university. And sumisikat na yung team nila, nababalita na rin sila sa iba't ibang News.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. Nakaupo lang ako sa harap niya habang inaayos niya yung mga gamit niya.
Tumango lang ako.
"Ba't parang kinakabahan ka? Mas kinakabahan ka pa sakin ah?" Nakangiti niyang sabi at lumapit siya sakin.
"Hindi ako kinakabahan. Nalulungkot ako." Sagot ko.
"Wag mo ng isipin yun, napagdesisyonan ko naman na to eh."
"Pero ba't ngayon pa? Kung kelan sikat ka na hindi lang sa school natin?"
Ngumiti siya at lumapit sakin. Hinawakan niya yung kamay ko. Inangat niya yung chin ko. Nagniningning yung mata niya. It's like I can see millions of stars in his eyes.
"Napag-isipan ko na to at alam kong dito ako sasaya sa desisyon ko."
***
Ang daming tao sa school. Sobra. Pumunta na kami sa Gym ni Gemma. Nauna na dun si Jared kasi kinausap pa siya ng coach at mga teammates nila.
Pagpasok namin sa gym, ang dami ng taong nakaupo. At maraming ilaw sa gitna. Maraming camera. Nakasetup na lahat. May upuan at lamesa din sa gitna, yung mga crew sobrang busy. May isang malaking white screen sa harap namin.
Umupo na kami ni Gemma sa pangatlong row.
"Grabe sikat na sikat na talaga si Jared." Manghang manghang sabi ni Gemma.
Tahimik lang ako hanggang sa umupo na sila Jared at yung mga teaammates niya sa may sofa na nakaset up sa gitna ng gym, kaharap na nila yung reporter.
May sumigaw na. "Audio-Video Rolling in 3,2,1... action!"
"Magandang umaga sa lahat ng taong nanonood ngayon dito sa gym na to... isang malakas na palakpakan naman sa lahat!.... Magandang umaga rin sa ating mga viewers. Ngayong umaga, makakapanayam natin sa kaunaunahang pagkakataon ang trending ngayon sa buong bansa sa larangan ng basketball, ang pinakaaantay ng lahat, please welcome the Gritty Tigers!"
Kitang kita sa malaking screen sila Jared at yung teammates niya. Naghihiyawan ang lahat.
"Kamusta naman ang Gritty Tigers sa pagkapanalo sa Championship game nung Monday?? May I hear it to the team captain?" Nakangiting sabi ng reporter.
Nakafocus yung camera kay Jared, ngumiti siya at halos lahat sa gym naghiyawan. "Masarap sa pakiramdam na makaabot sa championship at manalo." Lalong naghiyawan yung mga babae.
Napangiti yung reporter. "Mukhang maraming Fans ang team captain ng gritty tigers ah. Nabalitaan namin na kahit bago pa kayo makaabot sa championship, talagang heartthrob ka na dito sa university, sobrang dami daw ng nagkakagusto sayo. At hindi naman impossible yun dahil nasa sayo naman na lahat ng hinahanap ng mga babae sa kanilang mr. Right. Kasi bukod sa ikaw yung MVP, at matalino ka rin daw sa klase, ay talented ka rin daw. Ayon sa aming reliable source, magaling ka daw kumanta at maggitara." Lalong lumakas yung hiyawan ng mga tao dito sa gym.
BINABASA MO ANG
The Fiancee
Ficțiune adolescențiPano ka ba makakasigurado sa future mo? Kapag nakaplano na ang lahat? Paano kung yung ineexpect mo ay hindi nangyari? Yung matagal ng nakaplano, hindi natupad? Paano kung nagbago na ang lahat?